06/09/2025
Makulong ka muna!!
Nagpahayag ng buong suporta si House Speaker Martin Romualdez sa panawagan ng publiko at ng sektor ng negosyo “for an end to corruption in government,” nilinaw na hindi kailanman kukunsintihin ng Kamara de Representantes, bilang “House of the People,” ang anumang uri ng kurapsiyon, lalo na kung inilalagay nito sa alanganin at kapahamakan ang mamamayan.
“I fully support initiatives for independent scrutiny and fair prosecution to ensure that those who betray public trust are held accountable under the law,” anang House leader.
Tiniyak din ni Romualdez ang pagpapatupad ng karampatang reporma sa proseso ng pagpopondo para sa 2026 national budget “to restore public trust and strengthen accountability.”
Kabilang sa mga repormang ito ang transparency sa budget hearings at bicameral deliberations, mas istriktong pagbusisi sa lump-sum at unprogrammed appropriations, pag-iimbita ng citizen organizations at watchdog groups, at pinaigting na spending framework para mas mabantayan ang paggastos ng gobyerno.