15/09/2026
🔥MARAWI PROSECUTORS DISMISSED REP. ADIONG’S CYBERLIBEL CASE VS. ATTY. BALIGOD, 18 OTHERS FOR LACK OF EVIDENCE🔥
⚖️Ibinasura ng Office of the City Prosecutor ng Marawi City ang cyberlibel complaint na inihain ni Lanao del Sur 1st District Rep. Ziaur-Rahman “Zia” Alonto Adiong laban kay Atty. Levito Baligod at 18 iba pang respondents dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya upang magpatuloy sa criminal prosecution.
Sa 13-pahinang resolution, sinabi ng panel of prosecutors na hindi napatunayan nang may “reasonable certainty” na ang mga respondent ang nag-leak o unang nag-upload ng mga kontrobersyal na bahagi ng joint affidavit, o sila ang nag-publish at kumontrol sa mga online account na sangkot.
Hindi rin umano sapat ang ebidensya upang maitaguyod ang conspiracy at actual malice ng mga respondent.
Accordingly, the Complaint must be dismissed, saad sa resolution.
Bagama’t kinilala ng prosecutors ang seryosong katangian ng mga alegasyong inilabas laban kay Adiong, binigyang-diin nilang hindi sapat para sa criminal prosecution ang isang pahayag dahil lamang ito ay nakakasakit, nakakahiya o nakapipinsala sa reputasyon. Kinakailangan pa ring maipakita ang mga elemento ng krimen at sapat na ebidensyang nag-uugnay sa mga respondent dito.
Matapos matanggap ang desisyon, nagpasalamat si Baligod sa Marawi prosecutors:
Salamat OCP-Marawi! Kayo’y mga matatalino, matatag at matitino!
Ang dismissal ay nakabatay sa lack of prima facie evidence with reasonable certainty of conviction. Hindi nito awtomatikong pinatutunayan na totoo o hindi totoo ang mga hiwalay na alegasyong naging paksa ng joint affidavit.