20/08/2026
Trust the process—and most importantly, trust your artist! 🖤
P.S. No filter used, just a CPL lens for the photo. 📸🖤
Huwag agad makinig sa mga haka-haka o payo ng iba. Kung may concern ka sa healing ng tattoo mo, ang artist mo ang unang dapat mong tanungin. Siya ang mas makakapag-guide sa’yo base sa ginawa niyang tattoo.
At higit sa lahat, sundin ang tamang aftercare at iwasan ang mga bawal habang naghihilom.
Hindi porke’t nag-peel na ang tattoo, healed na agad.
Sa unang days, normal ang redness, tenderness, at kaunting fluid.
Pagkatapos, magsisimula itong mag-dry at mag-peel—huwag na huwag kutkutin.
Habang naghihilom, puwedeng magmukhang dull o parang kupas ang tattoo. Normal lang ‘yan.
Unti-unti, babalik ang kulay habang nagse-settle ang skin.
Patience is part of the tattoo process.
Hindi natatapos ang tattoo sa pag-uwi mo sa studio—kasama sa artwork ang tamang aftercare.
Good tattoo healing takes patience, proper care, and trust. 🖤