12/11/2022
Takot mag travel ulit after pandemic? Di alam ang gagawin? At kung kagaya pa rin ba dati ang pagala ng mga Pooritang Turista ?
Ito yung experience ko mga besh sa pagtravel ko after ng pandemic
First. Destination: THAILAND
SEPT. 2022
Pagdating ko ng airport kuha agad ng travel tax then check inn na sa counter ni Cebu pac. Same procedure pa rin naman dati, ang nadagdag lng ay hinahanapan talaga lahat ng vaxcert ph (pwedeng naka print pwede rin sa cp lng screen shot) after nun go kana sa immig.
Sa Immig naman nakakapanibago, ung feeling na sa tagal mong di nakapunta ng airport para kana rin tuloy first time mag abroad 😅 nakakakaba din.. take note ang daming offload na mga kasabay namin, karamihan first time mg go ra abroad..
Ito ung mga tanong ng IO sakin:
IO: (pagtanggap nya ng passport ko nakataas ang kilay, taray ni ante 😂) " first time mo mag abroad?"
(bagong renew kc passport ko,as in makinis pa sa kalbo😅)
Me: hindi po, (sabay abot ng luma kong passport)
cheneck nya lahat ng mga tatak ko sa passport tapos taas kilay pa rin na inabot sakin c passport ko 🙄
Taray ni besh oy 🙄😅 pero ok lng Nakikita ko ung mga kasama ko kung ano ano na nilabas na mga papel na hiningi ng io na nag interview sa kanila.. ang ending ang daming offload na karamihan first time traveler
Smooth ang pagboarding sa plane walang nagbago,, maliban sa naka face mask ka
Pagdating ng Thailand, dretso lang sa immig pagkalapag, wala ng pi fill upon, wala ding kahit anong hiningi o gustong tingnan ung IO dun.. ang tinanong lng sakin ay kung ilang araw ako mag stay sa thailand, i said, only 3days.
Sagot ni IO.. ok thanks gorgeous enjoy your stay!
Oh divah ang bilis lng pla 😁