22/06/2025
Update sa pregnancy ko with gestational diabetes!
I'm 37 weeks pregnant. Nag pa prenatal ako last monday with ultrasound (lagi may ultrasound dito sa korea kada prenatal which is good). Everything is good naman maliban sa breech pa rin si baby meaning suhi pa rin. Wala na plan umikot kasi nag reduce na ang tubig at wala na masyado space sa loob. I am 100% candidate for c-section. Okay naman for me kahit medyo kinakabahan, ilaban natin ang lahat ng sakit para sa anak natin.
Sa gestational diabetes ko naman, nashock ang diabetes doctor (endocrinologist) sa results ng glucose tests ko hehe. Ang tindi ko daw mag control sa foods kahit buntis ako. Karamihan daw kasi is pasaway. Lagi pasado ang fasting sugar ko. Sa 2 weeks monitoring once lang ako ng spike. Napakain ng soba noodles with sweety tea 😁. Grabe ang self control na dapat gawin pag may diabetes ang buntis. Mahirap kasi dami cravings, sarap mag buffet eh at kumain ng wagas kaso bawal hehe. Patunay ang pag payat ko sa tindi nang pag iwas ko sa high in carbs. Kung kakain man ako, hanggang dalawang kagat lang ata. Nakaka sad minsan pero sige lang kaya naman.
Sa mga soon to be mom like me, mag ingat po tayo. Iwasan po ang stress. Please mag pa check up po tayo lagi, para iwas po problema kay baby. Take your vitamins at wag magpasaway sa pagkain. Sacrifice lang, para kay baby naman lahat ng ginagawa natin. Laban and always pray. 🙏❤️