17/10/2025
We mourn the ultimate sacrifice of our brother, and the fire to serve and protect burns even stronger.
Ang buong kapulisan ng Police Regional Office 2 ay taus-pusong nakikiramay sa pagpanaw ni PCpl Jay-ar Galabay ng Cauayan Component City Police Station, na nagbuwis ng buhay habang ginagampanan ang kanyang tungkulin para sa kapayapaan at kaayusan ng Cauayan City, Isabela.
Si PCpl Galabay ay matapang na rumesponde sa isang kaguluhan upang awatin ang isang armadong suspek. Sa kabila ng panganib, buong tapang niyang hinarap ang sitwasyon bilang isang tunay na alagad ng batas.
Ngunit sa halip na sumuko, inundayan siya ng sunod-sunod na saksak ng suspek. Sa gitna ng matinding sugat, nagawa pa rin ni PCpl Galabay na ipagtanggol ang sarili at gamitin ang nararapat na puwersa.
Kapwa nasawi ang suspek at si PCpl Galabay. Ngunit si PCpl Galabay ay nag-alay ng buhay alang-alang sa katahimikan ng kanyang lungsod na nasasakupan.
Ang kabayanihan at sakripisyo ni PCpl Galabay ay mananatiling buhay sa puso ng bawat kapulisan at mamamayan na isang huwaran ng tunay na serbisyo at karangalan para sa bayan.
Isa kang tunay na bayani, PCpl Jay-ar Galabay.