22/05/2025
HINDI SYA BASTA NAGBAGO LANG.
Unti unti syang nagbago dahil sa paulit ulit nyang pagpapatawad at pagtitiis sa mga maliliit mong kasinungalingan na akala mo wala lang
Inubos mo siya hanggang sa wala nang natirang pagmamahal sa puso niya para sa’yo
Ngayon, kahit anong lapit mo
Wala na siyang nararamdaman
Akala mo ba habangbuhay kang mauunawaan
Akala mo ba lagi kang patatawarin
Akala mo ba hindi siya napapagod kahit paulit-ulit mo siyang sinasaktan
Saan ka humuhugot ng lakas ng loob para magsinungaling… Habang siya humuhugot ng lakas para manatiling totoo sa ‘yo
Hindi mo lang siya niloko
Nilamon mo unti-unti yung tiwala, yung respeto, at yung pagmamahal na ikaw lang sana ang makakakuha
At habang akala mo okay lang lahat, habang pinapatawad ka pa niya
Unti-unti ka na palang nawawala sa puso niya
Dahil ang tao, napapagod
Paulit-ulit niyang pinili ang magpatawad…
Hanggang sa isang araw, piliin na niyang manahimik
Hindi na dahil okay na siya kundi dahil ubos na siya
Wala na
Patay na lahat ng emosyon para sa ’yo
At ang masakit
Hindi mo man lang napansin
Ctto