29/12/2022
Jimmy mendoza
Lead: 3 HVT; TIMBOG ng pdea Php1.4 M SHABU, at Php10K MJ masamsam
Sa pamamahitan ng searh warran sinalakay ng Pinagsanib pwersa ng mga elemento ng PDEA RO II BATANES PO, Aparri Police Station, Eastern Cagayan Maritime Police Station, 1st Maneuver Force Platoon, 2nd Cagayan Provincial Manuever Force Company, 2O3RD MC, RMFB2, at PIU-PDEU, CPPO ang lugar Maura, Aparri, Cagayan partikular na sa residential house ng mga suspek na sina ROLANDO URI at MILA MALANA aka "NILA" ng 5:00 ng umaga kahapon ng December 29, 2022.
Arestado sina Rolando Uri y Cruz, 52 taong gulang, binata, high school undergraduate, tricycle driver at residente ng Maura, Aparri, Cagayan; Mila Malana y Sambolledo aka Nila, 50 taong gulang, biyudo, highschool undergraduate, trabahador at residente ng Maura, Aparri, Cagayan; at Michael Uri y Genobili, 37 taong gulang, may asawa, highschool undergraduate, may-ari ng tindahan, residente rin ng Maura, Aparri, Cagayan.
Ang nasabing Search Warrant Nos. 84-22 at 85-22 na may kaukulang Seizure Orders na may petsang Disyembre 28, 2022 ay inilabas ng RTC, Aparri, Cagayan laban sa unang dalawang suspek para sa paglabag sa RA 9165 at RA 10591.
Nasamsam sa anti-drug operation ang 60 pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na MOL 208 gramo na may tinatayang market value na Php1,400,000.00; isang (1) pirasong transparent plastic sachet (ziplock) na naglalaman ng pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng ma*****na na may mga fruiting top na tumitimbang ng MOL 90 gramo na may tinatayang market vakue na Php10,000.00; samu't saring drug paraphernalia; at isang (1) unit na cal 38 revolver na may kasamang dalawang (2) piraso ng live ammunition.
Ang imbentaryo, pagmamarka at dokumentasyon ng mga nakumpiskang ebidensya ay isinagawa sa lugar ng operasyon sa harapan ng mga suspek at nararapat na sinaksihan ng nasabing mga halal na opisyal at kinatawan ng DOJ.
Pagkatapos nito, dinala sa Aparri Police Station ang mga naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Aparri Police Station para sa kaukulang disposisyon.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591.