21/08/2026
NASA 1,327 family food packs (FFPs) ang naipamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng Habagat at bagyong Maymay sa Rodriguez, Rizal.
Kabilang sa mga napagkalooban ng food assistance ang mga residente ng Sitio Farmville sa Barangay San Isidro, gayundin ang mga pamilyang naninirahan sa Celina Subdivision, Marigold Subdivision at Estrella Homes sa Barangay Burgos.
Makatutulong ang FFPs bilang nakahandang pagkain ng bawat pamilya habang hindi pa tuluyang makalabas at makapamili ng mga pangangailangan sa araw-araw, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr./via Neil Miranda