02/09/2025
๐๐๐ฒ, ๐๐๐๐ฎ, ๐ฆ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฏ๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ฎ?
๐ฆ๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ถ: ๐ญ๐๐ฟ๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ฒ ๐๐๐๐ฎ
Sa isang gusaling puno ng pangarap, panibagong mukha'y masisilayan, tanong nang mag-aaral ng West Fairview High School, "Sino po ba sila?".
Sila si G. Joshua L. Acasio at Gng. Andrea Amor D. Peรฑaranda. Isang anak at isang magulang, hindi man sabay na yumapak sa paaralang yayakap para sa kanilang pangarap, subalit pareho ang intensyon sa kabataanโ ang magturo at maging motibasyon ng mag-aaral.
Mula umaga hanggang hapon, sila'y masisilayan, tinig ay maririnig, nakatayo sa harap at buong pusong nagtuturo sa mga estudyante, ngunit sino nga ba sila sa labas ng sinta nating paaralan.
Isang magulang na kumakayod, mula umaga't hapon isa sa mga nagsisilbing ina ng mag-aaral, subalit sa pagkagat ng dilim, si Gng. Peรฑaranda'y tuluyang uuwi sa kanyang tahanan at hahagkan ang isa sa dahilan ng kanyang pagkayod, ang kanyang dalawang anak.
Nitong Agosto, kanyang tinahak ang landas ng pagtuturo, ito ang kanyang unang paaralang mamahalin, ngiti sa labi'y masisilayan sapagkat ang dating pangarap ay tuluyan ng nakamtan. Simula pagkabata, ito na ang kanyang pangarap, sinong mag-aakalang ang munting batang nakadungaw sa bintana, tinatanaw ang bituin, iniisip ang mangyayari sa hinaharap sapagkat tulad ng bituin may mga pangarap na kay hirap sungkitin ay tuluyan niyang napasakamay.
Kung may magulang, may isa ring anak na nangarap, sinubok ng panahon hanggang sa ang pinto na ng pagtuturo ang kusang bumukas at hinaplos ang pusong hindi pa wari kung saan ang landas.
Bunso sa pitong magkakapatid si G. Acasio, wala pang asawa't anak, pinakaunang nakakuha ng diploma sa pamilya, isang bagay na kanyang iwinawagayway dahil ang pagsisikap ay nagkabunga, ngunit ito ay hindi naging dahilan upang ang tingin sa ka-anak ay bumaba.
Sa pribadong paaralan nagsimula ang kanyang pagtuturo, inabot ng tatlong taon bago siya nalipat sa pampublikong paaralan. Nitong hulyo, nagsimula ang panibagong kabanata ng kanyang buhay bilang isang g**o, na ang tanging ninanais ay kabataa'y matuto. Kung sa tahanan isang anak, sa paaralan ay isang magulang na ang intensyon ay may patutunguhan.
Magkaiba ng kasarian, ngunit pareho ang nilalaman ng puso, na ang kanilang mga tinig at husay ay maging daan sa pagkamit ng ating mga pangarap. Isang munting paalala ang nais nilang ibahagi na tayo'y mag-aral ng mabuti at panatilihin ang positibong kompetisyon sa ating kapwa mag-aaral.
๐๐ถ๐๐ฒ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ถ: ๐๐ฎ๐บ๐ฒ๐ ๐๐ถ๐ฑ๐ฎ๐บ ๐๐ฟ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ผ