17/07/2026
Gigising at babangon araw-araw para patuloy na lumaban nang patas, kahit minsan pakiramdam natin ay survival mode na lang ang buhay.
Nakakapagod makakita at makaranas ng toxicity sa trabaho, sa sistema, at sa mga nangyayari sa paligid natin. Minsan mapapaisip ka kung may saysay pa ba ang pagiging mabuti at paggawa ng tama.
Pero pipiliin pa rin natin ang lumaban nang patas. Dahil kahit minsan lamang sila dito sa mundo, alam nating may hustisya pa rin sa tamang panahon.
Hindi man nakikita ng lahat ang laban natin, nakikita ito ng Diyos. Patuloy lang. π±