12/08/2025
Kung goal mo ay magustuhan ka ng lahat, huwag kang mag-lead.Kasi ang totoong leadership, minsan kailangan mong ma-disappoint ang tao.May mga pagkakataon na kailangan mong magsabi ng “no” kahit gusto ng lahat ay “yes.”Pupushin mo sila lampas sa “okay” dahil alam mong kaya pa nila.Ipapatupad mo ang standards kahit tawagin kang “strict” o “walang puso.”May mga panahon na hindi ka maiintindihan, pag-uusapan ka, o baka masaktan ka pa.Pero ang leadership, hindi tungkol sa pagiging liked.Tungkol ito sa pagiging malinaw.Tungkol ito sa pagiging consistent.Hindi ka nandito para i-babysit ang emosyon ng tao — nandito ka para iangat sila.At balang araw, magpapasalamat sila na hindi mo binaba ang standards mo.