11/09/2025
NAKAKAHIYA KUMAIN NG CHEESY EGGDESAL
Hindi naman ako lagi nag egg desal sa mcdo pero gusto ko lasa nun. Nataon naman na sa araw nato eh nag crave ako, kaya i've decided to make a dropby sa mcdo para bumili nito. Mejo mahaba din ang pila papunta sa cashier, siguro dahil madami din mga tao na gusto muna bumili ng almusal nila tulad ko bago pumasok sa trabaho or sa eskuwelahan.
Sawakas ako na ung nasa cashier after kunin ni cashier kung ano ung order ko, which is cheesy egg desal na 79 pesos. On process na ako mag bayad ng cashless transaction, ung ang mode of payment na napili ko, usually kasi hindi naman ako nag dadala ng extra cash sakto lang para sa jeep at ung beep card ko eh may laman naman para sa train. Kung halimbawa naman ganito na may magustuhan ako bilhin eh I can use my phone to make an online payment transaction.
Ang kaso sa hindi inaasahan pagkakataon nung magbabayad na ako sa cashier eh walang signal 😅 mejo nakakahiya kasi ang haba ng pila tapos wala pa signal para makapag bayad ako so, I've decided to go outside in a bit para magkaroon ako ng signal at makapag bayad sa cashier. However, nung pag balik ko sa cashier laking gulat ko na bayad na ung order ko. Binayaran siya ng customer na kasunod ko sa pila. Nakakahiya hindi kasi ako sanay sa ganun, lalo na hindi ko kilala ung nag bayad nung food ko. Napaisip tuloy ako na sana ndi nalang ako bumili ng egg desal. Nakakahiya talaga then I told her na babayaran ko nalang thru online transfer, pero ang sabi nya (with a smiling face) ok lang un alam ko naman na may pangbayad ka pero binayaran ko nalang din para hindi na din makaabala sa pila. So wala na talaga akong choice kung hindi tangapin ang libre galing sa hindi ko kilala na tao, pero kung ung isang kilala ko jan tuwang tuwa na un kasi na libre ang food nya 😅.
Iniisip ko nalang na sa mga susunod na pagkakatao eh mag crosspath ulit kami ni madam at try ko offer na ilibre ko siya para makabawi ako. Pero super slim ng chance na magkita ulit kami. Kaya I've decided to pass her kindness to others nalang. Kaya ngaun araw bumili ako ng same egg desal ang gave it to same stranger na alam ko will make her day bright sa simple free food na nangyari sakin.
P.S. - lesson learned ako sa part na siguraduhin ko muna may signal para sure makakapag bayad ako ng sure sa online payment. Also ang galing still may mga tao pa din talaga na will to give and they don't wait for an exchange of it. And I like to end this with the work of "PASS THE KINDNESS"