18/02/2026
Isa nanaman sa kaibigan namin ang pumanaw sa sakit na cancer
😢
11PM kgabi tumakbo kami ng Alsabah Hospital at sabi ng Doctor hindi na daw alam kung ano ang maaaring mangyare sa susunod na isang oras at unti unti na syang nahihirapan sa paghinga at tanging oxygen machine na lang ang tumutulong sa kanyang paghinga 😢
Sobrang bilis matapos syang madiagnosed last month na sya ay may cancer biglaan na lng nagtuloy tuloy ang paghina ng kanyang katawan hanngang sa bumigay na ang kanyang katawan at isang buwan nga lang ang tinagal ng kanyang buhay… Isa syang malakas at masiglang tao at sumasali pa nga sa mga marathon dito sa Kuwait kaya hindi mo aakalain na sya ay magkakaroon ng sakit.
Hind talaga natin masasabi ang buhay kung hanggang kelan lang tayo sa mundong ito, kaya narealize ko na wag igugol ang buong oras sa trabaho dahil hindi nman natin talaga madadala sa hukay ang perang pinaghirapan natin, ienjoy ang buhay hanngat kaya at gumawa ng maraming masasayang memories kasama ang mahal sa buhay at higit sa lahat gumawa at maging mabuti sa kapwa tao dahil yan mga bagay na yan ay mananatiling magandang alaala sa mga taong maiiwan at nakasama mo…
Kung may history sa family nyo na mayroon cancer I advice na palagiang magpaconsult sa Doctor or kung nakikita kayong mga sintomas, para maagapan at mpahaba pa ang buhay…
You did a good fight my friend… 😢
2 Timothy 4:7 (NIV) states: "I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith."