Ate Anne Diaries

Ate Anne Diaries True life story and Confession ❣️
(5)

Dear Ate Anne,Isa po akong OFW dito sa Dubai. May asawa at dalawang anak po ako sa Pilipinas, pero wala na po kami ng as...
06/08/2025

Dear Ate Anne,

Isa po akong OFW dito sa Dubai. May asawa at dalawang anak po ako sa Pilipinas, pero wala na po kami ng asawa ko. Matagal ko nang napansin na wala siyang direksyon sa buhay at laging nakadepende sa nanay niya sa lahat ng desisyon.

Ngayon, nagtatrabaho po ako bilang caregiver dito sa UAE. Napunta po ako sa isang pamilyang marami ang nakatira sa iisang bahay—mga anak na may mga asawa na rin. Isa po sa mga anak na lalaki ng pamilya ang tila nagkakagusto sa akin. Halos saan ako magpunta, sumusunod siya. Palagi siyang nagpapakita ng motibo at halata na rin ng ibang kasamahan sa bahay, pati na ng tatay niya.

Ngayon po, nalaman ko na sa kasama ko pala niya sinabi na gusto niyang kunin ang number ko. Paulit-ulit siyang naghihingi ng contact details ko.

Ate Anne, sa totoo lang, nalilito po ako. Dapat ko po bang ibigay ang number ko? Hindi ko rin alam kung anong intensyon niya, at baka lalo lang akong mapahamak o magka-gulo sa trabaho o sa pamilya nila.

Maraming salamat po sa payo.

– Isang OFW sa Dubai

13 years old po ako nung una kong maranasan ang tinatawag na puppy love. Siya ang first love ko, at ako rin ang first lo...
05/08/2025

13 years old po ako nung una kong maranasan ang tinatawag na puppy love. Siya ang first love ko, at ako rin ang first love niya. Nagkahiwalay kami nung second year high school, pero dahil magkapit-sitio lang kami, nagkikita pa rin kami paminsan-minsan.

Aaminin ko, naging pasaway talaga ako. Ang daming nangyari sa buhay ko. Hanggang sa nakapagtrabaho ako sa mall sa MEPZA, at doon ko nakilala ang naging live-in partner ko sa loob ng almost 10 years. Nagkaroon kami ng 3 anak.

Pero simula pa lang, may bisyo na siya—dr0g@, pambaba3, at lagi niya akong s/in@s@kt@n. Dalawang beses na siyang nakul0ng dahil sa pagbebenta ng ipinagbabaw@l na g@m0t sa pinapasukan niya—na hindi namin alam.

Habang nasa kul/ung@n siya, bumalik sa buhay ko ang ex-first love ko. Kahit may 3 anak na ako at siya rin ay may isang anak mula sa dati niyang kinakasama (hiwalay na rin sila), nagkaroon kami ng connection. Naging kami ulit.

Tinutulungan pa nga niya ako noon sa pagproseso ng papeles para makalaya ang dati kong kinakasama. Pero nang makalabas na siya, doon na ako nagdesisyon—iniwan ko na siya at pinili ang first love ko.

Mali po ba?

Sobrang t0x/ic na kasi namin. Umabot sa punto na lumuluhod na ang anak ko, umiiyak, at nagsasabing iwan ko na ang papa nila dahil s/in@s@kt@n ako. Hindi ako tanggap ng pamilya ng first love ko, lalo na ng nanay niya. Pero pinaglaban niya ako.

Ngayon, may anak na kami. Mahal niya pa rin ako kahit may 3 anak ako sa una kong nakasama. Nararamdaman ko pa rin yung effort at sakripisyo niya, kahit minsan nas/@kt@n ko siya sa mga away namin.

Minsan naiisip ko, baka ito na yung karma ko—dahil iniwan ko yung una kong kinakasama. Pero siguro, ito talaga yung tama. Para sa sarili ko. Para sa mga anak ko.

Palihim kaming nagkikita nang binatang kapitbahay dahil sa sobrang gipit ko na pero‼️Hello ate Anne,Sobrang nahihirapan ...
04/08/2025

Palihim kaming nagkikita nang binatang kapitbahay dahil sa sobrang gipit ko na pero‼️

Hello ate Anne,

Sobrang nahihirapan na ako sa sitwasyon kong ito gusto ko nang lumabas sa sitwasyon na pinasukan ko. Please hide my identity na lamang po, isang babae at may ka live in partner din po.

Aaminin kong naging pariwara buhay ko noong dalaga pa ako, ang sarap kasi sa feeling noon nalasing, gala na kahit saan to the point nak4ntooth ako nang lalaki kahit hindi ko nobyo ate Anne.

Sobrang t4ng4 ko noon, akala ko okay lang lahat nang nagawa ko akala ko wala lang pagkatapos nang lahat iyon pala ipapakalat pala sa buong barangay na ganun ako, ganun kab4b4ng babae.

Naglayas ako sa amin, nag punta sa syudad nang aming lugar nagbaka sakaling mapabuti ang landas ate Anne. Nagtrabaho ako bilang taga hugas nang pinggan sa isang kainan, hanggang sa nagkaroon ako nang nobyo, lasing edad ko lang din sa panahon na iyon.

Nadala na naman ako nang kat4ng4han ayon bumuk4k4 nang pa ulit ulit hanggang sa nabuntis at iniwan ako ate Anne. Sobrang iyak ko noon at wala akong choice kundi umuwi sa mga magulang ko.

Tinanggap naman ako, lumipas ang isang buwan may kapitbahay bahay kaming binata ate Anne, niligawan niya ako at gusto niyang akuin ang pinag buntis ko.

Pumayag ako sa pag aakalang mawala lahat nang kahihiyan ko. Namanhikan siya sa amin at pumayag akong mag live in, noong una ate Anne wala akong naging problema nagtatrabaho naman siya kahit laging lasing ang importante sa akin may bigas, at ako na lamang bahala mag luto nang gulay.

Malaking utang na loob ko sa kanya ate Anne, pero simula nang nagka anak ako ulit unti unti ko nang naramdaman ang kahirapan gusto ko siyang tulungan pero hindi ko magawa dahil sa mga bata.

Sobrang hirap na kami sa pagkain, at ang live in partner ko naman araw araw lasing gusto kong ewan pero nanaig ang utang na loob ko sa kanya kahit lagi kaming nag aaway.

Ate Ann nagkaroon ako nang palihim na pag ibig sa isang binata din at lasing edad lang din nang ka live in ko, kapag may mangyari sa amin binibigyan niya ako nang pera, na pinang bili ko naman nang bigas at garas nang mga anak ko.

Makita ko lang may makain ang ka live in ko mga anak ko okay na ako doon ate Anne, buong akala ko ate Anne kt4wan ko lang habol niya pero gusto niyang magtanan kami talagang naguguluhan ako sa ngayon.

Magkaiba nga sila walang b_syo, tahimik lang at masipag kaya lagi akong naambunan. Gustong gusto kong sumama ate Anne, pero lagi din akong pinaalalahanan nang partner ko na wag ko daw kalimotan na siya ang umako sa anak kong hindi sa kanya.

Dapat daw makontento ako kung anong meron siya, ate Anne kung ipagpatuloy ko ang pakikisama sa kanya, hindi siguro sabot nang isang taon patay na kami dahil puro paglalasing lang ang alam niya.

04/08/2025

Akala niya. ‼️

02/08/2025

Iniwan ko. ‼️

01/08/2025
01/08/2025
01/08/2025

My mom russian boyfriend. ‼️

Normal lang ba? ⁉️
30/07/2025

Normal lang ba? ⁉️

30/07/2025
28/07/2025

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ate Anne Diaries posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category