05/07/2025
"Baguio at Ako" by Thine "Monatina " Parinas
Location: Seattle's Best Coffee, Sm Baguio City
Date written: MARCH 1, 2023
Umaga kay lamig
Parang lambing na lumilipas din
tulad ng pag-ibig nya
Bakit pa aalis sa isang lugar
dahil ba mas mahal mo sya o
mas mahal mo yung iba?
Magulo ang puso at isip
Pumili ka man wala patas lang
May hihikbi,
May magpapaalam,
May masasaktan,
Kaya tama na IWANAN ka mo na
Dapat lang BUMITAW na.
Masakit lumayo at kalimutan
pero dapat mo tatagan ang loob mo
Bago pa mawala ka sa SISTEMA mo.
Pwede ba sarili ko mo na ?
ngayon parang walang landas
Nasaan ako at saan ba talaga ako nararapat?
Hirap hanapin ulit ang kaharian nabuo na
tapos wawasakin ulit ng isang unos.
Paano ba magsimula ng mag-isa?
hanapin ko mona sarili ko
nakakapagod din pala pero lilipas din ito.
Mas mabuti MAGPALAYA sa minahal mo kasi hindi lahat ng gusto mo ay PARA SAYO.
Minsan dapat matuto kadin magpalaya na.
Siguro nga hindi sya nararapat sayo
kasi hindi lahat kailangan mo ipilit
pag alam mo " Hindi nararapat na para sayo'.
May dahilan kung bakit kami
nagtagpo ni BAGUIO sa isang banda
Madami kalye para sa lahat
pero hindi lahat ay dapat daanan mo
kaya pwede naman lumiko sa ibang kalye
kung saan lahat ay NARARAPAT para sayo.
Lahat AALIS sa lugar na ito
May BABALIK din pero sandali lang
pero pag napamahal ka na
" PWEDE BA MANANATILI KA NA LANG ".
Pero talaga ba tadhana mapadpad ako dito sa Baguio?
sa parte hinahanap ko ang sarili ko.
Malamig na nga malungkot ka pa?
Sa lugar na ito nakita ko
Ang kakaiba mukha ng mga EMOSYON
sa bawat kalye may isang sawi
kahit gaano kahirap ay tinatahak nya
At pinipilit nya nilalabanan
ang kalungkutan sa gabi ito.
Tanggap ko na ang KATAPUSAN nito.
Hindi sisilip ang araw sa gitna ng tagulan
At paano mabuo ang mga bahaghari
kung wala mga ulan
kaya umulan ka para sakin
para ramdam ko naman
kung gaano kasakit na INIWAN mo na ako.
Sana lumipas ang mga ito
At Darating araw,
Ikaw ang PIPILIIN,
Ikaw ang mas MAHAL nya,
Ikaw ang PANININDIGAN,
Ikaw lang ang PINAKAMAMAHAL.
Love,
Monatina
Note :
“No copyright infringement intended”