30/07/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ฎ๐ง๐ฌ๐ก๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฆ
Mahirap maging babae. Higit na mas mahirap maging babae sa isang bansang sinisikil at nililimitahan ang kakayahan ng kababaihan sa ideyang "hanggang diyan ka lang." Isang lipunang mahilig magdikta kung paano dapat mamuhay ang babaeโmula sa kaniyang pag-iisip, pananalita, pananamit, hanggang sa kanyang mga desisyon. Dahil dito, dumating si Sunshineโtila isang sampal sa bawat sistemang sanay humusga ngunit hindi kailanman handang makinig.
Sa obra ni Antoinette Jadaone at sa mapusok na pagganap ni Maris Racal, higit pa ito sa isang palabas. Isa itong masalimuot na pagsilip sa kalagayan ng kababaihang Pilipina, lalo na ang mga menor de edad, sa gitna ng mabibigat na isyu ng maagang pagbubuntis, seksuwal na pang-aabuso, kakulangan sa serbisyong pangkalusugan, at usaping moralidad sa pagpapalaglag. Isa itong pahayag, protesta, at rebolusyon sa anyo ng sining. Kung tutuusin, hindi lamang ito umiikot sa istorya ng isang batang babae. Ito ay para sa mga โSunshineโ sa ating mga paaralan, komunidad, at tahananโang mga batang madalas na naiiwan sa dilim habang tayo'y abala sa pagdedebate kung ano ang tama ayon sa batas, relihiyon, o tradisyon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), humigit-kumulang 6.5% ng kabuuang panganganak sa bansa noong 2022 ay mula sa mga kabataang babae na may edad 10 hanggang 19. Isa ito sa pinakamataas sa Timog-Silangang Asya. Sa Sunshine, ipinakita kung paanong ang teenage pregnancy ay hindi laging bunga ng kapabayaan, kundi madalas ay resulta ng pang-aabuso. Ngunit sa halip na protektahan ang mga biktima, sila pa ang kadalasang sinisisi. Ilan sa mga mapanirang komento ay tulad ng, โEh nasarapan din naman.โ Ito ay bahagi ng kulturang "victim blaming" at patuloy na nagtutulak sa mga biktima na manatiling tikom ang bibig.
Bago ang lahat, ang Sunshine ay hindi isang pelikulang ipinagbubunyi ang ideya ng pagpapalaglag o itinuturing ito bilang isang karaniwang pangyayari. Hindi ito isang mala-romantikong sagot. Sa halip, inilalahad nito ang sakit, takot, at bigat ng pasyang iyon, at higit sa lahatโang dahilan. Walang ni isang eksena sa pelikula ang nagsabing madali ito. Wala ring sandaling ipinakita na ito ay isang โsolusyon.โ Sa halip, ipinakita nito ang reyalidad ng lipunanโang nakatatakot na kwento sa likod ng pagwawalang-kibo. Ipinakita ang pagkabigo ng sistemang dapat sanaโy sumasalo. Ang pagkakaroon ng opsyon ay hindi isang paanyaya sa kasalanan. Ito ay pag-amin na hindi iisa ang kwento ng bawat babae, kayaโt nararapat lamang na magkaroon sila ng karapatang pumili ng sariling landas.
Sa Pilipinas, ipinagbabawal ang pagpapalaglag sa lahat ng kasoโkahit pa ito ay bunga ng panggagahasa o may panganib sa buhay ng ina. Batay ito sa Revised Penal Code at batas noong 1930 (Republic Act 3815). Maging ang doktor ay nalalagay sa panganib, maaaring matanggalan ng lisensya kung mahuli o maakusahan ng pagtulong sa pagpapalaglag. Kaya kahit may banta sa kalusugan, walang sapat na suporta ang mga tulad nila. Parang sinasabi ng lipunan na ang karapatang mabuhay ay para lamang sa sanggol, at hindi na para sa ina.
Maraming mga manonood ang maaaring kumiling sa moralistang lente habang pinapanood ang pelikula. Ngunit ang sining ay hindi nilikha upang magbigay-lugod, kundi upang pukawin ang ating kamalayan. At dito makikita ang tapang ng pelikula: hindi ito nagpapalambing sa manonood. Hindi ito humihingi ng awa. Bagkus, ipinapakita nito ang
sistema, ang pagkakait ng saloobin, at ang mga bitak sa ating kultura. Hindi ito paglalantad ng karahasan, kundi paglalahad ng mas malalim na bakit. Bakit may mga kababaihang umaabot sa ganitong punto? Bakit sila hindi makapagsabi ng kanilang hinaing? Bakit sa sistemang ito, tila sila lang ang may pinakamabigat na pasanin?
Walang saysay ang sining kung hindi ito naglulunsad ng pagbabago. Minsan, ang tunay nitong gampanin ay usigin ang iyong konsensya, pukawin ang mga tanong, at buksan ang mga pinto ng pagninilay. At walang saysay ang Sunshine kung mananatili lamang ito bilang kwento sa isang palabas, at hindi maging paalala sa lipunan. Hindi ito tipikal na pelikulang tumatalakay sa pagdadalaga. Walang fairy tale na wakas. Walang knight in shining armor. Ngunit naroroon ang tapangโtapang na naghahamong buksan ang bahagi ng iyong isipan at damdamin na matagal mo nang ipinipikit.
Lagi nating sinasabi: โAng kabataan ay pag-asa ng bayan.โ Ngunit paano kung ang mismong bayan ang tumatalikod sa kanila? Kapag ang batas, paaralan, simbahan, at mismong pamilya ay hindi kanlungan kundi dagdag bagahe? Kung tunay tayong naniniwala na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, huwag natin silang iwan sa karimlan. Hindi sapat ang pakikipagdiskusyon sa moralidad ng aborsyon o pagpuna sa mga kabataang nabubuntis. Mas dapat nating pagtuunan ng pansin ang pagpapalakas ng sistemang pangkalusugan, pagpapatibay ng batas para sa mga biktimaโhindi laban sa kanilaโat pagbuwag sa kulturang puno ng
kahihiyan at pananahimik.
May puwang pa ba ang mga kababaihan sa isang lipunang napakaingay sa moralidad ngunit pikit-mata at bulag sa katotohanan? Sa bansang ipinagbabawal ang aborsyon ngunit ipinagkakait din ang sapat na edukasyon ukol sa seksuwalidad, ang katawan ng babae ay laging paksa ng diskurso, ngunit sila mismo ay walang boses. Kasing-kinang ng araw si Sunshine. At tulad ng araw sa likod ng makakapal na ulap ng patriyarka, wala pa ring malay ang karamihan sa liwanag na pilit nilang tinatalikuran.
Kasing tindi ng kapit ng bata sa sinapupunan ni Sunshine ang kapit niya sa kanyang mga pangarapโngunit sa lipunang ito, ang ganitong mithiin ng isang babaeng nagdadala ng sanggol ay may kakambal na malalang paninisi. Kapag babae ang nabuntis, buong lipunan ang sisingil sa kanya: sa kaniyang moralidad, sa kaniyang pagkatao, sa kaniyang kinabukasan. Subalit kapag lalaki, kahit pa kakarampot na suportang pinansyal lamang ang maibigay, pinupuri pa siyaโt itinuturing na responsableng ama. Ganito kalalim ang โdouble standardโโhabang ang babae ay napipilitang isantabi o bitawan ang kanyang mga pangarap, ang lalaki ay doon pa lang nagsisimulang mangarap, hindi para sa anak, kundi para sa sarili. Hanggaโt nananatiling ganito ang ating pananawโna inuuna ang parusa sa babae at binibigyang gantimpala ang kaunting pagsisikap ng lalakiโhindi tayo kailanman magiging isang makatao at makatarungang bansa. Patuloy tayong lulubog sa kahirapan at kakulangan ng malasakit, kung paniniwalaan natin ang sigaw ng kapaligiran na nakaugat sa luma, bulag, at mapanirang kaisipan.
Saan nga ba maaaring humingi ng tulong ang isang taong tinalikuran ng lipunan, relihiyon, at mismong bansaโlalo na ang mga babaeng pinagkaitan ng karapatang magdesisyon para sa kanilang sariling katawan at walang access sa abot-kayang serbisyong medikal? Isa ito sa mga matinding isyung isiniwalat ng pelikula: ang kawalan ng maaasahang sistemang pangkalusugan, lalo na para sa mga kababaihang nasa liblib at maralitang komunidad. Sa mga lugar na ito, kapos ang serbisyong pangkaisipan, kulang ang mga espesyalistang OB-GYN, at wala ring sapat na suporta para sa mga nagdadalang-tao. Hanggang kailan mananatiling krimen ang mangarap para sa isang batang babae, kung mismong mga institusyong dapat sanaโy kumakalinga ang siyang unang bumibitaw? Ayon sa Department of Health (DOH), sa bawat 100,000 na buhay na isinilang, tinatayang 120 kababaihan ang namamatay sa panganganakโisang mapait na patunay ng sistemikong kapabayaan na hanggang ngayoโy hindi pa rin nasusugpo.
Hindi para sa lahat ang pelikulang Sunshine, at marahil iyon mismo ang dahilan kung bakit ito mahalaga. Hindi ito ginawa para magbigay aliw. Ginawa ito upang gisingin ang manonood tungkol sa mga isyung matagal nang tinatakasan. Para ipaalala na may mga kwento ng kababaihan na pinatatahimik ng takot, relihiyon, at mismong lipunan.
Isang layunin lang ang nais nitong makamit: maunawaan. Maunawaan ang bakit, ang paano, at kung paanong sa gitna ng lahat ng ugong sa Maynilaโmoralidad, kahirapan, relihiyon, tsismis, at iba paโmay isang tinig ng babae na patuloy pa ring sumisigaw ng: โmay pangarap din ako.โ Sa mundong mapanghusga, ang pelikulang ito ay paalala na ang bawat desisyon ay may dahilan. At madalas, ang pasyang iyon ay bunga ng kakulangan sa pagpipilian. Na minsan, ang pagpili ay hindi pagsalungat sa Diyos o sa lipunan, kundi desperadong pagtatanggol sa sariling hinaharap.
Bilang bahagi ng solusyon, dapat mas paigtingin ang komprehensibong edukasyong pangseksuwal at libreng mga programa sa pagpaplano ng pamilya. Ayon sa Republic Act No. 10354 (Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012), may karapatan ang bawat Pilipino sa impormasyon ukol sa kalusugang reproduktibo. Ngunit sa aktwal na implementasyon, marami pa rin ang walang sapat na kaalaman at kakayahang makamit itoโdahil sa matinding impluwensya ng relihiyon at politika.
Malayo pa ang tatahakin ng kababaihan para makamit ang mga karapatang nararapat naman talaga sa kanila mula pa noong simula. Sa dulo, si Sunshine ay hindi lamang isang karakter, kundi simbolo ng mga kabataang babae na may pangarap. Ng mga babaeng piniling manahimik, ngunit sa kabila ng lahat, piniling magpatuloy.
Tulad ng ginto, kumikislap sa liwanag ang kanyang mga pangarapโkasing-ningning ng araw sa rurok ng tanghali. Kaya kahit lamunin pa siya ng kadiliman, darating at darating ang sinag. At sa gitna ng ingay ng Maynila, dapat pa ring marinig ang tinig ng mga tulad ni Sunshine. Gets niyo ba?
Isinulat ni Nicole T. Mayo at Lorraine Acaylar
Inilatag ni Jannah Quilao