18/09/2026
TINGNAN : Sinampahan ng dalawang reklamong graft sina Sen. Mark Villar, Sen. Camille Villar, kanilang mga magulang na sina Manuel at Cynthia Villar, kanilang kapatid na si Paolo, at iba pang opisyal ng mga lokal na water district kaugnay ng umano’y hindi maayos na serbisyo ng tubig ng Villar-owned PrimeWater Infrastructure Corporation.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano nitong Biyernes, nabuo ng mga imbestigador ng Ombudsman ang kanilang konklusyon matapos ang halos anim na buwang pagsisiyasat sa mga kasunduan ng PrimeWater at iba’t ibang water district mula 2015 hanggang 2022.
Sinabi rin ni Clavano na ang mga Villar ang beneficial owners o mga tunay na nakikinabang sa PrimeWater. Ang mga reklamo ay kasalukuyang isinasailalim sa preliminary investigation ng Ombudsman.