22/07/2023
“’WAG MAG-JOWA KUNG WALANG PERA”
Hello po. I just wanna share my thoughts tungkol sa pag-uusap namin ng bf ko regarding sa naging usap-usapang linya ni Mimiyuuh. I understand the reason why the influencer said this quote, “’wag mag-jowa kung walang pera”.
I'm being neutral—agreed and disagreed—pero yung bf ko ay nag-big NO sa statement na yun. He said na pera lang ba ang basehan ng relasyon, kaya hindi puwedeng magbf/gf kapag broke, kesyo wala na raw ba silang karapatan na makipagrelasyon? Sinabi ko naman na, at some point ay tama ang nasabing statement dahil kung iisipin ay every date, maglalabas ka ng pera, pambili man yan ng pagkain o gifts, as well as pamasahe na rin if needed.
It also shows na you're financially capable of sustaining the needs, not only of yourself, but also of your soon-to-be life partner. He was also speaking on behalf of those men na wala mang malaking pera, madiskarte/may kakayahan na kumita sa ibang paraan naman. I do understand those people dahil sa panahon nga naman natin ngayon ay talagang mahirap maghanap ng trabaho lalo na't mataas ang standard ng employment dito sa Pilipinas.
However, committing into a relationship is another responsibility, especially if you are planning to have kids. Yun ang nasa isip ko at nais kong ipaunawa sa kaniya. I mean, he's not wrong, but I think he needs to expand his perception about it.
I used to live with my sibling and I've witnessed how stressed they were whenever they had 20 Pesos left in their wallet (if they got lucky to have anything left). May work ang partner niya pero nabibitin pa rin due to bills and utang that needed to be paid kaya ang ending, kinakapos. May mga anak pa man din kaya lalong mahirap ang sitwasyon. Yan ang pinaghuhugutan ko kaya I somehow agree sa statement na 'yun. I don't criticize the situation ng kapatid ko since I'm not in their shoes.
I just see their experience as my guide sa buhay dahil the truth is, hindi ka naman mabubusog sa "I love you" lang ng jowa mo. It fills our heart, but not our stomach that's why money still matters sa relationship. Nanggaling rin naman ang pamilya nila sa isang kahig, isang tuka pero ngayon ay pinagpala, and I understand na ganoon ang pinaghuhugutan niya kaya against siya sa sinabing yon.
Ang isip-isip ko lang, IT MAY NOT RELATE TO ALL RELATIONSHIP, pero kung wala na kayong problema sa pera, mas magkakaroon ka ng panahon with your partner, mas mapupunan mo ang pangangailangan niya lalo na kung ang love language niya ay quality time and physical touch. At least, nabawasan ang magiging problema ng mag-partner.
Sabi niya rin na kung oo, financially stable ka or both of you, pero kapag dumating ang pagsubok at makaranas ng paghihirap (sa kaperahan), iiwanan na lang, ganoon ba? What I said was, diyan na masusubok kung talagang kaya kang samahan ng partner mo sa hirap at ginhawa. Doon masusukat ang pagmamahal niya sa yo.
Kaya nga sabi ko sa kaniya hindi naman para sa lahat ang quotation na yan. Depende na lang kung isasabuhay mo, hindi mo papansinin o matatamaan ka lang. On the other side, may disagreement din naman ako dahil lahat naman tayo may karapatang magmahal regardless of your social status. Nakadepende na lang sa taong mamahalin mo kung kaya kang samahan sa ganoong klase ng pamumuhay o may mataas silang hangarin sa buhay.
I'm know pretty well na may kaniya-kaniya tayong opinion and thinking and hindi ko na pinilit pa ang perception ko sa kaniya. I wrote this because I'm just a little concerned since he's gonna be the person I'll be living with under the same roof. Hindi ako sobrang mapaghangad, marunong din po ako makuntento. Hindi naman din ako fully dependent sa partner ko. I'm not that kind of person na sanay mabigyan ng regalo/stuff and he knows that. Nahihiya pa nga ako mag-request sa kaniya noon ng mga bagay na gusto and need ko kasi wala pa siyang work, yet he willingly managed to give those things dahil sa diskarte niya.
Another reason why the statement is not that concrete enough dahil meron pa ring ibang babae/lalake na minahal at pinili ang partner nila kahit na sa panahong walang-wala. Hiling ko lang sana ay maunawaan niya yung other side ng statement na yun and don't take that wholly negative. Ayaw ko lang po na mag-settle kami sa ganoon in the future at mahirapan siya kakakayod lalo na't may health issues siya. I believe that in every relationship, there's an individual who has needs not just in emotional, but also in physiological.
Money doesn't grow on trees, ika nga ng ating mga magulang. Kung gusto niyo magka-house and lot, makukuha niyo yan through hard work lalo na kung privileged kayong magkaroon ng high-salary job. However, not all can afford those kinds of luxuries in life. Kung sa kanila, 2 or 5 years lang abot na agad ang pangarap, sa iba naman aabutin pa ng lifetime, makapagtayo lang ng sariling bahay o makabili ng sasakyan.
Kaya sa pagsasama ng mag-partner, need talagang mag-invest ng pera. Hindi naman kailangan maging magara ang umpisa, ang mahalaga ay nakabukod na at hindi na kayo nanghihingi ng tulong pa sa iba financially dahil kaya niyo nang punan ang inyong pangangailangan. Above all these things, put God at the center of your relationship for He can give you peace hindi lang sa isip, bagkus ganoon na rin sa puso.
Cadhearin
2020
*Confidential
---