05/06/2026
REST IS A MUST.
Marami ang nagsasabi, "Masaya siguro ang buhay kapag marami ka nang pera."
Pero ang realidad, hindi lahat ng problema nawawala kapag dumami ang laman ng bank account mo.
Ito marahil ang gustong iparating ni Ser Geybin nang sabihin niyang "Rest is a Must".
Isa successful na vlogger. Kilala, maraming followers, maraming opportunities, at sa tingin ng marami, may buhay na gugustuhin ng kahit sino. Pero sa kabila ng tagumpay at kinikita niya, naging bukas siya sa kanyang laban sa anxiety at mental health.
Dito natin makikita na hindi pera ang solusyon sa lahat.
Dahil habang lumalaki ang kinikita mo, kadalasan lumalaki rin ang responsibilidad mo.
Mas maraming taong umaasa.Mas maraming dapat asikasuhin.Mas maraming kailangang isipin.
Mas maraming pressure na dalhin.
At minsan, kahit kaya mo nang bilhin ang gusto mo, hindi mo mabili ang kapayapaan ng isip.
Kaya maraming tao ngayon ang pagod.
Hindi dahil tamad silang magpahinga.
Kundi dahil pakiramdam nila hindi sila pwedeng huminto.
Kapag huminto sila, mawawalan ng kita.
Kapag nagpahinga sila, baka may mapalampas na oportunidad.
Kapag natulog sila nang maaga, may trabaho pang hindi tapos.
Hanggang sa unti-unti nilang nakakalimutang alagaan ang sarili nila.
Pero ang katawan at isip natin may limitasyon din.
Hindi mahalaga kung empleyado ka, negosyante, content creator, o milyonaryo. Kapag napuno ka ng stress, kapag hindi mo binigyan ng pahinga ang sarili mo, darating ang araw na ikaw mismo ang susuko.
Kaya mahalagang tandaan na ang pahinga ay hindi kalaban ng pagiging productive.
Ang pahinga ang dahilan kung bakit kaya nating bumangon at lumaban ulit kinabukasan.
Minsan, ang pinakamagandang investment ay hindi dagdag na oras sa trabaho.
Kundi dagdag na oras para sa sarili.
Dahil sa huli, walang halaga ang pera, tagumpay, at achievement kung kapalit naman nito ang kalusugan ng isip at katawan mo.
Kaya gaya ng paalala ni Ser Geybin:
REST IS A MUST.
Hindi dahil mahina ka.Hindi dahil sumusuko ka.
Kundi dahil tao ka lang din.
At kahit gaano ka pa ka-successful, kailangan mo ring magpahinga.