30/08/2024
BUWAN NG WIKA
Tema: WIKANG FILIPINO, WIKANG MAPAGPALAYA🇵🇭📝
BUWAN NG KASAYSAYAN
Tema: Salaysay ng Bayan,Saysay Ng Bansa.
AGOSTO 29, 2024
Ang temang "Buwan ng Wika 2024" na "Wikang Mapagpalaya" ay nagpapahayag ng malalim na kahalagahan ng wika bilang instrumento ng kalayaan. Sa konteksto ng ating kasaysayan, ang wika ay nagsilbing daan sa pagpapahayag ng ating pagkakakilanlan, kultura, at mga adhikain bilang isang malayang bansa
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Buwan Ng Kasaysayan ay ginugunita natin ang ating mayamang kultura at kasaysayan sa isang araw na puno ng sigla at pagkakaisa.
Ipinagkaloob ang mga parangal sa mga nagwagi sa iba't ibang patimpalak.📝🏆. Ang mga gawaing ito ay nagbigay ng pagkakataon sa bawat isa na ipakita ang kanilang talento at pagmamahal sa ating wikang pambansa. Ang mga award na ito ay hindi lamang simbolo ng kanilang husay, kundi pati na rin ng kanilang dedikasyon sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng wika at kulturang Pilipino. Sa pagtatapos ng araw, nadama ng lahat ang lalim ng ating pagkakaisa at ang kahalagahan ng ating wika sa pagbubuklod ng ating bayan.
Taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga g**o unang-una sa FIL.-AP, sa lahat Ng MGA tagapayo sa bawat Taon at sa lahat Ng g**o ng KATIPUNAN HS, MGA mag-aaral at sa LAHAT Ng laksa-laksang mga kamay na tumulong mula sa simula hanggang sa matapos ang palatuntunan. Halina't ipagpatuloy natin ang pagiging KATIPUNEROS at maging Isang responsableng kabataang pilipino! 🇵🇭