24/09/2025
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฆ๐ ๐, ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฑ ๐ ๐ฒ๐น๐ค๐๐ถ๐ป๐ถ๐ฎ๐ป๐ ๐๐ฎ ๐๐๐ฒ๐ฆ๐ฆ๐ฃ๐
๐ป๐ถ ๐ ๐ถ๐ฒ๐น ๐๐ฒ๐๐ถ๐ฟ๐ฒ๐ฒ ๐๐๐ป๐ป๐ฎ๐ผ
๐๐ถ๐๐ฒ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐ฏ๐บ๐ฎ๐ ๐ป๐ถ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ธ ๐๐ต๐ฟ๐ถ๐๐๐ถ๐ฎ๐ป ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฐ๐ผ
โ
โโ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ด, ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐! ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ด, โ๐๐ถ ๐ฎ๐ฎ๐๐ฟ๐ฎ๐!โ
โMuling itinaas ng mga delegado ng Ang Kamalayan, Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) sa ilalim ng pagsasanay ni G. Sherwin C. Teves (School Paper Adviser) ang pangalan ng paaralan matapos magwagi ang 35 na MelQuinian sa individual at group categories sa idinaos na 2025 District VI Secondary Schools Press Conference nitong Setyembre 19-20.
โ
โMalugod na tinanggap ni Dr. Lorna C. Mendoza, Punongg**o II ang humigit-kumulang na 700 mag-aaral mula sa 13 pampubliko at pribadong paaralan sa Distrito VI. Aniya, isang kasaysayan muli ang nilikha ng paaralan ngayong taon matapos ang kauna-unahang pag-host ng nasabing makabuluhang aktibidad.
โ
โKaugnay nito, nagpabatid din ng mensahe ng suporta at pagbati sina Dr. Maria Nimfa R. Gabertan (Education Program Supervisor, English & Journalism) at Dr. Michael A. Nazareth (Public Schools District Supervisor).
โ
โSa kabila ng pagsisilbi bilang punong-abalang paaralan, hindi nagpatalo ang PSMA laban sa 13 paaralan matapos makuha ang parangal na Overall 1st Runner-Up Top Performing School sa English at Filipino, 1st Runner-Up sa Best Cheer/Yell, Overall 1st Runner-Up Top Performing School din sa Filipino at Overall 4th Runner-Up Top Performing School in English.
โ
โNasungkit din ng Tatak Sambayanan, ang TV Broadcasting Team ng paaralan ang Overall 1st Runner-Up at Champion naman ang Online Desktop Publishing Team na parehong qualifier sa gaganaping Division Secondary Schools Press Conference ngayong Nobyembre.
โ
โNagkamit naman ng isang special award ang Collaborative Desktop Publishing matapos parangalan bilang 3rd place sa kanilang Pahinang Opinyon.
โ
โSa kauna-unahan ding pagkakataon ay nagpadala ng nominasyon ang PSMA para sa CD6 Search for Outstanding Campus Journalist sa pangunguna ni Kyle Nathan A. Nicolas, Punong Patnugot ng Ang Kamalayan na itinanghal na Finalist.
โ
โNabusog din ang lahat ng delegado ng 13 paaralan dahil sa inihandang meal assistance nina Konsehal Banjo Pilar, Konsehal Doc Ellie Juan, Konsehal Cocoy Medina, Konsehal Kristine Matias, Konsehal Vic Bernardo at Kapitan Marlou Ulanday.
โ
โTaos-pusong pasasalamat din ang ipinahahatid ng PSMA sa lahat ng nagpaabot ng tulong upang magtagumpay ang nasabing aktibidad gaya ng medalya, tropeyo, ipinahiram na LED wall, monobloc chairs, presensiya ng Barangay Health and Emergency Response Team (BHERT) para sa medikal na pangangailangan, Barangay Tanod para sa dagdag na seguridad at tents gayundin sa buong teaching at non teaching personnel ng paaralan sa kanilang sigasig at kahandaang tumulong sa lahat ng aspeto.