09/07/2025
"Ingatan natin ang kanilang karapatan...โค๏ธ๐ฎ๐น
Lagi natin isama ang ating mga magulang sa ating mga panalangin. Hilingin na bigyan pa sila ng lakas at mahabang buhay ngunit sa atin naman na mga kabataan ito ang lagi nating tatandaan sa lahat ng pagkakataon;
"Hilingin din natin na wag tayong maging dahilan na mapinsala ang tungkulin at karapatan nila, na maraming taon na ang isinakripisyo upang maingatan ito dahil tayo ang pinaka-malapit sa tukso at kaway nitong mundo baka maaliw tayo sa mga bagay na nandito at sa panandaliang saya na nakapalibot sa atin at kapag nangyari iyon parang pinatay mo na din sila dahil inalisan mo sila ng karapatan sa pagtupad at binigyan mo ng matinding hapis at kalungkutan ang kanilang mga puso..."
Tandaan natin lagi na pwede naman tayong maging masaya na walang nalalabag na mga kalooban ng Diyos bilang mga kabataan patuloy at lagi nating ipagmamakaawa na bigyan tayo ng matibay, matatag at matured na pananampalataya na laging magtitiwala sa magagawa ng Diyos sa ating buhay. Kapag sa pagkakataong ito nasa paglabag o may nagawang pagkukulang, bumalikwas ka na habang maaga pa at lubusang magbagong buhay. Wag mong ilayo ang iyong sarili sa Diyos sa halip akayin mo ang iyong sarili sa pagsunod sa Kanyang mga kalooban dahil walang lingkod na sumunod ang napapahamak. Tandaan natin lagi na sa Diyos nagmumula ang maganda at payapang pamumuhay, nasa pagsunod ang susi nito...โค๏ธ๐ฎ๐น
"Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat. โIgalang mo ang iyong ama at ina.โ Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong โIkaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa.โ
-Efeso 6:1-3
~ ๐ทcttoโจ