
14/03/2025
"Ako si Alleo Lualhati isang kabataan at Pilipino, handa at matalino akong pumili ng tamang lider, isang pinunong may malasakit at konkretong aksyon para sa sektor ng agrikultura. Hindi lang puro pangako, kundi tunay na solusyon para sa ating mga magsasaka at mangingisda. Ang Agrikultura ang backbone ng ating ekonomiya, kayaβt kailangan natin ng lider na magpapatibay sa Food Security, susuporta sa lokal na produksyon, at magbibigay ng tamang ayuda at programa para sa mga nasa sektor na ito."
Isa si Alleo sa mga kabataang Pilipino na patuloy na naniniwala at sumusuporta sa pagbabago ng ating bansa. Bilang mamamayan, hawak mo ang kapangyarihang baguhin ang kinabukasan ng Pilipinas, laban sa abuso sa kapangyarihan at kawalan ng katarungan. Gamitin ang iyong boses at matalinong boto upang ipaglaban ang isang mas maunlad, makatarungan, at tunay na makabayang lipunan!