28/11/2022
Bigyan mo ako 3 months mas malaki pa dyan yung tyan ko 😅
‘CONSISTENCY AND DISCIPLINE IS THE KEY’
Hinangaan sa social media ang naging body transformation ng netizen na si Dex, matapos nitong ipakita ang “before and after photos” ng kanyang katawan sa isang Facebook comment.
Aniya, dati pa man ay maganda na ang kanyang katawan, ngunit dahil sa trabaho at business ay tila lumobo ito. Hindi rin naging madali ang kanyang pinagdaanan upang maabot ang ganitong katawan sa loob lamang ng 10 buwan.
“Dati na rin tlgang maganda katawan ko, lumobo ako ng sobra dahil sa stress sa work at business, gusto ko ibalik yon, kaya nagsikap ulit ako. At least patunay lng na kung gusto tlga, kayang kaya 😁👌,” wika niya sa isang panayam ng PSND staff.
“Sobrang hirap, hndi biro ung pagod. Wala kang ibang kalaban kundi sarili mo lang talaga. Consistency and discipline is the key 🙌,” sambit pa nito.
Nagbigay rin siya ng ilang payo para sa mga nagnanais na magkaroon ng katawang gaya sa kanya.
“Sukat lahat ng kinakain ko hahaha! 180 grams protein then 50 grams carbs then gulay, Every 3 hrs kakain kasi hndi naman heavy meal so 6x a day rin akong kumakain. I workout 6x a week plus cardio every Sunday,” sabi niya.
Sa huli, nag-iwan si Dex ng ilang katagang nais niyang kumintal sa isipan.
“Just enjoy the process, sa una, parang wala ka talaga makikitang improvement, pero maniwala ka meron yan, kahit pa konti konti. You don't need to compete with other people but yourself. Just look in the mirror, okay naba sayo yang nakikita mo? Kung oo, maintain, kung hindi naman, work harder. ☺️👌,” saad nito.
(Dex Ter/Facebook)
Written by: Marc Iverson Mendoza