15/06/2024
Gentle reminder:
Taking care of yourself is not selfish
Para sa ating mga nanay kapag sinabing me time madalas ang nasa isip agad natin “gastos lang yan” lalo na ngayon na pamahal ng pamahal ang bilihin.
Kasi ang misconception ng marami kapag me time dapat nasa salon, nasa coffee shop, nag mall in short pag me time dapat maglalabas ng pera.
Me time is our “alone” time. Kahit sa bahay lang, kahit sa loob ng cr o kahit saang area ng bahay natin.
Kahit ano na sa tingin natin makakatulong para makapag recharge tayo ulit o ma release ang ating stress para hindi natin maibunton sa ating anak o asawa.
Pwedeng manood ng kdrama/movie, maglinis ng bahay, mag lakad-lakad, makinig ng favorite nating music, matulog etc.
Kung may budget okay lang itreat natin ang sarili pero kung wala pa hindi ibig sabihin no’n hindi na natin priority ang self-care.
Bakit kailangan natin ng ME TIME?
❤️ It reduces stress
Kapag hindi tayo stress mas mahaba ang ating patience lalo sa ating mga anak.
📝 Mahalaga ang me time (self-care) dahil MAHALAGA rin tayo pero hindi kailangan icompromise ang budget.
This is how I spend my me time kapag tulog na ang mag-ama ko. Kdrama is life.
Ikaw mami anong ginagawa mo sa
me time mo? Share mo rin ❤️ 👇