06/07/2026
MGA POSIBLENG HAMON AT NEGATIBONG EPEKTO
Mapalad ang mga magulang kapag mayroon syang anak na maasahan.. Nagtitinda, nagaalaga ng mga nakababatang kapatid, namimil ng paninda , buhat buhat kahit sobrang malayo. Walang masama kung sila ay bigyan ng tungkulin, pero may epekto ito sa bata habang sya ay lumalaki.Dapat hindi lahat ipag katiwala sa anak lahat kasi kung sobra na ang bigat at nawawalan sila ng karapatan bilang bata, maaari itong magdulot ng:
1. Pisikal na pagkapagod at sakit – Ang maagang pagbubuhat ng mabibigat at matagal na pagtayo ay maaaring makasama sa kanilang paglaki, paglapat ng buto, at kalusugan.
2. Naaapektuhan ang pag-aaral – Minsan ay napapabayaan ang klase, takdang-aralin, o pumapasok nang pagod, kaya bumababa ang marka o hindi nakakatapos ng pag-aaral.
3. Maagang pag-iisip na parang matanda – Minsan ay nawawalan sila ng pagkakataong maglaro at maging bata. Napipilitan silang mag-isip ng mga bagay na hindi pa dapat pasanin ng kanilang edad.
4. Kakulangan sa pagkakataon – Minsan ay limitado ang oras nila para matuto ng ibang kasanayan o magkaroon ng mga pangarap dahil nakatuon agad sa paghahanapbuhay.
Hwag sila bigyan ng tungkulin na higit pa sa kanilang edad at kakayahan.