03/12/2025
💯
Ang salitang kabet ay hindi lamang para sa kasal. Ang pagiging kabet ay ang pagpili mong makisawsaw, pumatol, at kumabit sa isang taong alam mong may pamilya na, alam mong may mga batang umaasa at umaalalay sa kanya, pero pinili mong ipasok ang sarili mo sa pagitan nila.
The fact na nakisawsaw, pumatol, at kumabit ka sa isang relasyon lalo na sa taong may pamilya na, KABET ka pa din. At wala akong anumang respeto na maibibigay sa iyo. Isa ka sa pinakamababang uri ng tao na makikilala ko sa buong buhay ko, at kasama ka ng lalaking hinarot mo at nang iwan ang mga anak ko sa kawalan. Hindi ko kailanman maituturing na marangal o wasto ang relasyon n’yong itinayo mula sa sakit at pagkawasak ng iba.
Hindi mo kailanman mauunawaan ang bigat ng bawat gabing pinipilit kong maging matatag para sa mga anak ko, habang hawak-hawak ko sila at pinapasan ang sakit ng pagtataksil. Hindi mo rin mararamdaman ang panghihinayang sa lahat ng taon ng sakripisyo, pagmamahal, at pagtitiis na nauwi lang sa wala dahil pinili n’yong pagtaksilan ang pamilya na sabay naming binuo.
Kaya huwag kang masyadong magsaya, dahil hindi pa tapos ang laban. Ang sugat na iniwan ninyo ay hindi madaling maghilom, pero hindi rin ito dahilan para tuluyan akong bumagsak. Dahil sa bawat luha at sakit, mas titibay ako—at mas lalaban hindi lang para sa sarili ko, kundi higit sa lahat, para sa mga anak kong iniwan at pinabayaan ng lalaking pinili mong akitin. Tandaan mo, darating at darating ang araw na ang lahat ng kasinungalingan at pagtataksil ay babalik sa inyo, at iyon ang araw na hindi na kailangan ng kahit anong salita para iparamdam ang kabayaran ng lahat ng ginawa ninyo.