14/02/2026
Huwag sanang hanggang ngayong Araw ng mga Puso lang ang pagpapakita natin ng pagmamahal.
Ang tunay na pag-ibig ay hindi pang-isang araw, kundi pang-araw-araw na pagpili na magmahal—sa salita at sa gawa.
Nawa’y bukas at sa mga darating pang araw, patuloy nating iparamdam sa ating mga mahal sa buhay na sila ay mahalaga at tunay na minamahal.