01/09/2025
๐ถ๐ท๐ฐ๐ต๐๐ถ๐ต | ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Ni: Vebirna Chesca Dela Peรฑa
Habang nilalamon ng baha ng korapsyon ang Pilipinas, kasabay nitong nilulunod ang kinabukasan ng kabataang Pilipino. Bawat pisong nakalaan sana sa edukasyon, kalusugan, at serbisyong panlipunan, nauuwi sa bulsa ng iilan, mga pondong dapat nagpapaunlad sa bayan, tinatabunan ng katiwalian.
Sa mga paaralan, lalo na sa pampubliko at probinsya, litaw ang mapait na realidadโsiksikan sa silid-aralan, kulang ang upuan, luma ang mga aklat, kapos ang pasilidad at mga g**o't estudyanteng patuloy nagtitiis sa hindi maayos na sistema.
Base sa datos ng Department of Budget and Management, taon-taon bilyon-bilyong piso ang inilalaan para sa edukasyon. Ngayong 2025, umabot sa โฑ1.055 trilyon ang pondo at sa 2026 tataas pa ito sa โฑ1.224 trilyon, ang pinakamalaking bahagi ng pambansang badyet. Ngunit sa kabila ng dambuhalang halagang ito, nananatiling bagsak ang sistema ng edukasyon.
Kamakailan, umani ng matinding batikos ang isyu tungkol sa flood control projects na sa mata ng taumbayan, tila hindi naman nararamdaman. Tulad na lang ng nangyari San Roque Elementary School sa Hagonoy, Bulacan, halos lahat ng silid-aralan nito'y nalunod ng high-tide flood na umabot sa 3.38 talampakan. Marami pang lugar at paaralan ang nakararanas din ng pagbaha. Wala na ngang matitirhan, wala pang alternatibong pasilidad.
Sa totoo lang, hindi kakulangan ng pondo ang ugat ng problema, kundi maling paggamit at kawalan ng pananagutan. May pera, galing pa nga sa buwis ng mamamayan, ngunit hindi malinaw kung saan ito napupunta.
Nawa'y mapagtanto ng bawat isa sa atin na konektado ang lahat. Kapag ang gobyerno'y hindi tapat, hindi lamang edukasyon ang apektado, pati kaligtasan, kalusugan, at mismong kabuhayan ng bawat Pilipino.
Panahon nang managot ang mga nasa kapangyarihan. Hindi dapat maging tahimik ang taumbayan sa harap ng katiwalian at kapabayaan. Mahalaga na tayo'y maging mapanuri at matalino, lalo na sa pagpili at pagluklok ng mga lider. Maging mulat tayo sa politika! Kung nais natin ng pagbabago, kailangan magsimula ito sa ating kamalayan.
Huwag natin hayaang lamunin tayo ng baha ng korapsyon. Kapag lunod ang edukasyon, kasama ring nalulunod ang buong nasyon. Pero kung kikilos tayo ngayon, kaya nating magtayo ng pader laban sa baha nito at iligtas ang kinabukasan ng susunod na henerasyon.
----------
Dibuho ni: John Kyle Roman Cabral
Inianyo ni: Juderay Jamena