21/10/2023
Buhay Kusineroπ§πΌβπ³π―
Gusto mo maging kusinero?
Dapat Matibay ka, buo ang loob, hindi iniinda ang pagod at higit sa lahat dapat marunong ka makisama.
Hindi basihan ang husay o dunong sa propesyon na papasukin mo. Ang kailangan mo lang ay taong iintindi sa kung anong kakayahan mo at kung anong kayang ibigay ng talento mo.
Pero hindi lahat ay handa kang pakinggan,
Sa mga bawat pag kaka mali mo at hindi planadong galawan.
Ganyan talaga ang buhay sa kusina, lagi kang duguan kung hindi ka matibay, tiyak uuwi kang luhaan.
Dahil hindi mismo sa taong nag rereklamo ang maririnig mo, Kundi sa kapwa mo kusinero na may sinasabi patungkol sa likod mo. Hindi natin kailangan mag pag galingan, pero kailangan pag igihan.
Hindi tayo perpekto, nag kakamali pero bumabawi din naman. Kaya nga ang suot ay puti, simbolo ng kapatawaran at kalinisan kahit na madalas ay hindi nakikita ang ating mga pinag paguran
Doon ko napatunayan na ang propesyon na meron ako ay hindi kailangan ng taga palakpak, kundi taong makakaintdi sa kung anong kakayahan ang kayang ipakitaπ―, basta ibigay ang husay at talento, at sila na ang mag sasabi patungkol sa mga hinahain mo.
Isa akong kusinero kagaya mo, sa puso, sa isip at sa gawaπ§πΌβπ³