21/08/2025
CONGRESSMAN PANALIGAN SINAGOT ISA-ISA ANG MGA AKUSASYON SA KANYA
Ito ang naging reaksyon ni Oriental Mindoro 1st District Congressman Arnan Panaligan sa tanong ng mga mamamahayag matapos siyang iugnay sa previledge speech ni Senator Ping Lacson ukol sa umano'y anomalya sa flood control projects sa Oriental Mindoro.
"Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagplano, nag-bid, at nag-award sa contractors. Wala tayong say doon," giit ng kongresista.
Itinanggi ni Panaligan na naging funder o proponent siya ng mga proyekto, o nakatanggap siya ng kickback.
“Ang regional office din ng DPWH ang nag-identify ng mga proyektong yan nong dumating yon gaming National Expenditure Program or NeP 2023, 2024,2025 nakalagay yan nakalista na”- dagdag niya
“Hindi naming yan hiningi, hindi naming ni-lobby at hindi rin kami ang nag-propose niyan. Hindi kami ang proponent, nasa NEP na yan.Hindi nay an nagagalaw, Hindi nay an nababago ng mga district congressman. Kaming mga congressman wala kaming papel sa pagpaplano, paggagawa ng program of works, lalo kaming walang papel sa pagbi-bid ng mga proyektong yan at pag-award sa contractor”.- diin ni Panaligan
Sinabi ni Panaligan na July 31, 2024 pa siya sumulat kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan para hilinging suriin at ayusin ang mga bagong ginawang flood control project na agad nasira.
Giit niya, hindi patas na idawit ang kanyang pangalan sa isyu dahil wala siyang kinalaman sa pondo o pagpapatupad nito.
Bukas din si Panaligan na makipag-usap kay Sen. Ping Lacson.
Sa naging pahayag ni Senador Lacson laban kay Cong. Panaligan kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control project, malinaw na ang mga ibinato ay walang sapat na batayan na tila nakasalig lamang sa pangkalahatang HINALA o PAGDUDUDA, hindi konkreto ang EBIDENSYA.
Una, dapat nating igiit ang presumption of regularity sa lahat ng proyekto ng pamahalaan hangga’t walang matibay na pruweba ng katiwalian.
Hindi makatarungan na husgahan agad ang isang halal na opisyal batay lamang sa mga paratang na hindi naman napatutunayan.
Sa kaso ni Cong. Panaligan, wala pang inilalatag na dokumento, audit report, o anumang malinaw na ebidensya na nag-uugnay sa kanya sa sinasabing iregularidad.
Ikalawa, si Cong. Panaligan ay kilalang matinong pulitiko at parehas mula sa pagiging City Mayor, Vice Governor, Governor hanggang Congressman ay never pa itong nasasangkot sa anumang mga katiwalian.
Ang kanyang pangalan ay hindi kailanman nadadawit sa katiwalian sa haba ng kanyang panunungkulan.Kilala siya sa mga programang nakatuon sa kapakanan ng ordinaryong mamamayan.
Hindi makatarungan na basta na lamang dudungisan ang kanyang reputasyon nang walang sapat na batayan.
Ikatlo, ang mga flood control projects ay nakapailalim sa mahigpit na proseso ng pag-apruba, bidding, at auditing ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng DPWH at COA.
Hindi ito proyekto na kontrolado lamang ng isang kongresista. Kung may nakikitang iregularidad, nararapat na idulog ito sa tamang forum gaya ng COA o Ombudsman, at hindi basta-basta ibinubulalas sa publiko nang walang kompletong datos.
Sa huli, ang mga ganitong uri ng walang baseng akusasyon ay hindi lamang nakasisira sa pangalan ng isang taong tapat na naglilingkod, kundi nakakaapekto rin sa tiwala ng mamamayan sa ating mga institusyon.
Kaya’t marapat lamang na panatilihin ang patas na pagtingin at bigyan ng pagkakataon si Cong.Panaligan na magpatuloy sa kanyang serbisyo nang hindi binabalot ng alegasyong walang malinaw na ebidensya.
Ang mga pahayag ni Sen. Lacson laban kay Cong. Panaligan ay kulang sa substansya at pruweba. Hangga’t walang inilalatag na kongkretong dokumento o imbestigasyon na magpapatunay sa kanyang pagkakasangkot, nararapat lamang na igalang ang kanyang integridad at pagkatao bilang halal na opisyal ng bayan.
Isa sa mga nakikita kung dahilan kaya sinisira at ginigiba ngayon si Cong Panaligan dahil sa pagkontra nito sa dredging, armour rock mining, at black sand mining.