12/10/2025
Angel Cuambot
Pinangangambahan ngayon ang posibleng malawakang pinsala sa lalawigan ng Rizal sakaling gumalaw ang West at East Valley Fault System, ang fault line na matagal nang binabantayan ng mga eksperto.
Ayon sa PHIVOLCS, ang fault system na ito ay dumadaan sa mga lugar gaya ng Montalban (Rodriguez) at San Mateo, na parehong kabilang sa mga “danger zone” kung saan direktang nakapwesto ang ilang subdivision, paaralan, at kabahayan.
𝐌𝐠𝐚 𝐥𝐮𝐠𝐚𝐫 𝐬𝐚 𝐑𝐢𝐳𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐬𝐚 𝐦𝐢𝐬𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐚𝐛𝐚𝐰 𝐨 𝐧𝐚𝐬𝐚 𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐧𝐠 𝟓𝟎𝟎 𝐦𝐞𝐭𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐫𝐚𝐝𝐢𝐮𝐬 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐭𝐢𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐟𝐚𝐮𝐥𝐭 𝐥𝐢𝐧𝐞.
𝐆𝐞𝐫𝐯𝐢𝐥𝐥𝐞 𝐒𝐮𝐛𝐝𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧
𝐒𝐨𝐮𝐭𝐡𝐯𝐢𝐥𝐥𝐞 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐚𝐥𝐛𝐚𝐧
𝐂𝐚𝐭𝐚𝐥𝐢𝐧𝐨 𝟏 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐠𝐞
𝐏𝐡𝐚𝐬𝐞 𝟏-𝐀 𝐒𝐮𝐛 𝐔𝐫𝐛𝐚𝐧
𝐉𝐨𝐯𝐢𝐥𝐥𝐞 𝟑 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐠𝐞
𝐊𝐚𝐬𝐢𝐠𝐥𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐠𝐞, 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐚𝐥𝐛𝐚𝐧
𝐋𝐢𝐭𝐞𝐱 𝐓𝐞𝐱𝐭𝐢𝐥𝐞 𝐌𝐢𝐥𝐥𝐬, 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐚𝐥𝐛𝐚𝐧
𝐃𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝟐, 𝐒𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐭𝐞𝐨 𝐑𝐢𝐳𝐚𝐥
𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐍𝐢𝐧𝐨, 𝐒𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐭𝐞𝐨 𝐑𝐢𝐳𝐚𝐥
Batay sa datos, ang huling paggalaw ng fault line ay noong taong 1658, at tinatayang aktibo ito kada 300 taon ±100 taon. Ibig sabihin, nasa loob na tayo ngayon ng panahong maaaring muling gumalaw ang fault — na posibleng magdulot ng Magnitude 7 o mas malakas pang lindol.
Ang “The Big One” ay inaasahang makaaapekto hindi lamang sa Metro Manila kundi pati na rin sa buong Rizal, dahil sa lapit nito sa sentrong linya ng fault.
Dahil dito, mariing hinihikayat ang publiko na maging handa, magplano ng evacuation routes, at sumunod sa mga disaster preparedness drills na isinasagawa ng lokal na pamahalaan.
Sa ngayon, nananatiling hamon para sa mga residente at lokal na opisyal ng Rizal ang pagtiyak na ligtas at matatag ang mga gusali, paaralan, at tulay sakaling maganap ang paggalaw ng fault line.
Listahan ng mga nasa aktibong Fault line: https://www.s1expeditions.com/2014/07/158-west-east-valley-fault-line.html