03/01/2026
Masyado yatang mahirap itong buhay na magwawakas lang din naman.
Paano kung simulan nating maging masaya kaysa palaging malakas? Ipunin ang maliliit na bagay at ituring na isang malaking tagumpay. Tingnan ang mundo bilang isang himala imbis na lugar ng pakikidigma.
Dahil kung magwawakas lang din naman ang buhay, gusto kong araw-araw ngitian ang mga ulap. Gusto kong umibig, abutin ang himpapawid, makipagniig sa langit. Nais kong lumaya sa mga pasakit, sampalin ng sagot ang lahat ng bakit.
Bakit hindi ngayon? Bakit takot pa rin? Bakit nagtitiis? Bakit nagtitimpi? Dahil kung alam nating magwawakas lang din naman ang buhay, dapat natin itong danasin sa bawat lalim at tugatog ng ligaya.
Hindi ba?
—
Ron Canimo
roncanimoph
***
MTAT shop:
https://vt.tiktok.com/ZMhfNLCrw/?page=TikTokShop