
06/06/2025
"Breastfeeding lang yan, mas madali yan kasi walang need timplahin at hugasan. Mas matipid yan kase hindi mo na kailangan bumili ng mamahaling gatas na formula."
Ngayon alam ko na. Hindi madali kapag breastfeeding mom ka. Hindi ka pwede umalis o mawala ng matagal kasi sayo nakadepende ang kakainin ng anak mo. Hindi ka pwede magdiet kasi halos maya't maya magugutom ka at pakiramdam mo pagod na pagod ka.
Oo, nakaupo at nakahiga lang kami, pero ang katumbas na pagod after feeding, parang nag marathon ka.
Kailangan piliin mo ang mga pagkain na kakainin mo para sa anak mo.
Hindi pwede mag paayos ng buhok, gumamit ng kung ano anong skincare product kasi baka makasama sa anak mo.
Darating pa sa point na halos ayaw na malayo sayo ng anak mo kasi mas malala ang pagiging clingy nya, kaya ang hirap sa pakiramdam kapag kailangan mo umalis para magtrabaho. Yung guilt na "sana sa bahay na lang ako para sa anak ko". *sepanx is real*
Madami kang isasakripisyo bilang isang ina. Hindi man madali, pero habambuhay kong ipagpapasalamat ang biyaya na naibigay sa akin at sa anak ko, lalo na sa pamilya ko.
Breastfeeding isn’t free.
It costs sleepless nights and cracked ni***es.
It costs hours spent pumping, nursing, washing bottles, and storing milk.
It costs missed meals, missed showers, missed moments of rest.
It costs physical pain, emotional exhaustion, and mental battles you can’t always see.
Sobrang daming struggles namin mga padede moms higit pa sa inaakala nyo. Pero dahil sa pagmamahal namin sa anak, KAYA AT KAKAYANIN. 🩷💪🏼
Para lumaking healthy at hindi sakitin si baby.
Iba't iba man tayo ng pinagdadaanan bilang isang ina. Piliin natin intindihin at irespeto ang bawat isa. 🫶🏻✨
CTTO
゚