07/08/2026
Friday, 6:47 PM.
Halos wala nang tao sa office.
Nasa harap pa rin ng laptop si Carlo.
Binuksan niya ang resignation letter na ginawa niya three days ago.
"Dear Sir/Ma'am..."
Kompleto na.
Reason for leaving.
Last day.
Thank you message.
Pati subject line ng email.
Ready to send.
Matagal na niyang gustong umalis.
Hindi dahil galit siya sa trabaho.
Pagod lang siya.
Gusto niyang magpahinga.
Gusto niyang makasama ang pamilya niya.
At gusto niyang subukan yung maliit na business na matagal na niyang pinag-iisipan.
Pero hindi niya ma-send.
Hindi dahil natatakot siyang mawalan ng trabaho.
Ang kinatatakutan niya...
Yung mawalan siya ng choice pagkatapos niyang mawalan ng income.
Tumingin siya sa account niya.
May savings.
Pero hindi sapat para sa matagal na panahon.
May HMO.
Pero pang-health expenses lang.
May PhilHealth.
Pero hindi nito papalitan ang sweldo niya.
May investments.
Pero ayaw niyang galawin lahat.
So he closed the resignation email.
Not because he gave up.
Because he realized something:
Hindi pala sapat na gusto mong umalis.
Kailangan mo ring maging financially ready para makaalis.
Three months later...
Sinend niya rin ang resignation.
This time...
Hindi dahil desperate na siya.
Kundi dahil handa na siya.
May emergency fund.
May financial protection.
May malinaw na budget.
At higit sa lahat...
May choice na siya.
Minsan, ang tunay na purpose ng financial planning...
Hindi para maging mayaman agad.
Para magkaroon ka ng options kapag dumating ang panahon na kailangan mong pumili.