
06/09/2025
MISIS NA STRESS SA ASAWA, PUMANAW SA EDAD NA 28.
Isang 28-anyos na misis ang pumanaw matapos makaranas ng matinding karamdaman na iniuugnay sa stress at anxiety. Ayon sa mga ina ng biktima, madalas daw nitong ibahagi ang bigat ng kanyang nararamdaman sa asawa, ngunit tila walang pakialam ang mister. Sa halip na intindihin, madalas pa raw nitong iwasan at i-ignore ang mga hinaing ng kanyang misis.
Dahil sa patong-patong na problema at kakulangan ng emotional support, lumala ang kalagayan ng babae. Ilang beses pa raw nitong sinubukan mag-open up, ngunit madalas nauuwi sa katahimikan at kawalan ng malasakit mula sa kanyang asawa.
Ayon din sa mga kapitbahay, mapapansin daw na palaging pagod, tahimik, at mabigat ang aura ng misis nitong mga nakaraang buwan. Hindi raw lingid sa kanila na tila mag-isa niyang pasan ang lahat ng problema, habang ang asawa ay walang pakialam.
Nagbigay paalala ang isang psychiatrist expert na ang stress at anxiety ay seryosong kondisyon na maaaring mauwi sa malubhang sakit kapag napabayaan. Nawa’y magsilbing aral ito sa lahat na ang pakikinig at pag-intindi ay simpleng bagay, ngunit maaaring magligtas ng buhay.