21/09/2025
Simula 1986! Hanggang kailan tayo magtitiis?
Araw-araw, pawis at dugo ng taumbayan ang binabayad sa BUWIS. Pero habang tayo’y nagsusumikap, may mga kurakot na walang habas na ninanakawan ang kaban ng bayan.
Hindi ito simpleng kasalanan! ito’y pagnanakaw sa kinabukasan ng mga mahal natin, sa ospital na dapat may gamot, sa eskwelahang dapat may libro, at sa kalsadang dapat ligtas at maayos.
Kaya dapat managot ang mga kurakot. Walang palusot, walang lusot. Ang tunay na hustisya ay hindi lang para sa may kaya, kundi para sa bawat Pilipino na pinapasan ang bigat ng korapsyon.
Panahon na para ipaglaban ang pera ng bayan. Panahon na para itigil ang nakawan. At panahon na para managot ang mga tunay na may sala.
✊🇵🇭