
11/05/2024
--- Nanay ❤️❤️
Napapansin mo ba?
Noong bata ka, o kahit ngayon man kung kasama mo pa ang Nanay mo sa inyong tahanan?
Hindi ba't siya ang una mong hinahanap?
"Si Nanay?"
"Saan si Mama?"
"Si Mommy?"
" Si Inang?"
Nakasanayan na yata natin yun, kapag 'di natin siya makita.Talagang hahanap hanapin natin siya.
Yun ang isang napakasimpleng sitwasyon ng buhay natin, kung gaano kaespesyal ang isang Ina.
Siya yung taong nakasuporta lang sa'yo kahit distansya man ang layo niyo
Kapag masaya o malungkot ka
Alam na alam niya yun.Nararamdaman ka niya.
Kahit hindi ka magsalita.
Kahit nahihirapan
Sanay na sanay na siyang magsakripisyo
Hindi na baleng siya nalang ang magtiis
Huwag lang ang mga anak niya
Yun ang puso ni "Nanay"
Kaya sana hangga't nakikita pa natin siya
Hangga't nayayakap pa
Hangga't naririyan pa siya
Ipanalangin natin sa Diyos na magkaroon pa sila ng kagalakan dito sa lupa
Dahil darating at darating ang araw
na kahit gaano kalakas ang boses natin sa pagtawag sa kanila
Wala ng sasagot ng "Bakit anak?"
Iiwan nila tayo sa mundo dahil yun ang realidad ng buhay ng tao
Hindi man natin kayang lagpasan ang pagmamahal nila,
sana kahit mapantayan man lang natin yun
Sana kapag hindi na nila kayang ihakbang ang kanilang mga paa
Yung kapag matanda na sila
Huwag kang mapagod na alalayan sila
Sana si "Nanay" pa rin ang unang hinahanap-hanap mo kahit hindi mo man siya kasama.💜
Repost from: Tintin Albania