Pinoy Daily Digest

Pinoy Daily Digest Pinoy Daily Digest aims to contribute to Filipino community through reporting factual news and unbias

Strap in for a wild ride! Milo Ventimiglia and Byron Mann light up the screen in "Kill Him Til He's Dead"—a sci‑fi actio...
22/02/2025

Strap in for a wild ride! Milo Ventimiglia and Byron Mann light up the screen in "Kill Him Til He's Dead"—a sci‑fi actioner where revenge meets adrenaline. Check out Deadline's exclusive scoop!

'Kill Him 'Til He's Dead,' a sci-fi actioner starring Milo Ventimiglia, Byron Mann and more, has just wrapped production.

14/02/2025

[BABALA: SENSITIBONG BALITA]

Bangkay nang natagpuan sa Bulacan ang isang babaeng menor de edad na halos isang linggo nang nawawala sa Caloocan. Ang biktima, nakitang nakasilid sa maletang palutang-lutang sa ilog.

ctto

14/02/2025

MATIBAY BA ANG INYONG SIKMURA? KAYANIN N’YO KAYA ANG MGA EXOTIC FOODS NA ITO?

Food stall sa Malolos, Bulacan, dinarayo dahil sa kanilang exotic na mga pagkain tulad ng piniritong palakang bukid, uod na ginawang chicharon, fried cricket at… breaded eel!

Sa kabundukan naman ng Malinao, Aklan, may isang klase ng suso, na masarap daw gawing ginataan– mga wild snails o damil!

Panoorin ang video.

ctto

14/02/2025

DO-IT-YOURSELF PHOTO BOOTH AT HELMET CLEANING VENDO, MGA PATOK NA NEGOSYO NG MGA GENZ AT MILLENIALS NGAYON!

Ang 25-anyos at Gen Z na si Harold, naka-imbento ng helmet-cleaning vendo machine! At ang kinita na raw ng negosyo niyang ito, umaabot na sa 8 digits?!

Ang millennial naman na si Darrell, ang trending DIY o do-it-yourself photo booth ang ginawang negosyo! At ang kanyang kinita sa loob lang ng tatlong buwan, umabot na higit-kumulang… 600,000 pesos!

Panoorin ang video.

ctto

13/02/2025

MGA TINDERA SA SOUTHERN LEYTE, MAY KASAMANG PA-KALDAG ANG ITINITINDANG FISHBALL?!

Ang synchronized dance moves ng mga dancing tindera na ito sa Southern Leyte, benta ngayon online! Hindi lang kasi ginagaya ang kanilang steps, ginawan pa ito ng samu’t saring dance covers ng mga sikat! Anong mayroon, mga maem?!

Kilalanin ang mga dancing divas sa video na ito!

ctto

February 10, 2025 — Napasugod sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) si Pamela Antonette Tadoy upang ireklamo ang pananakit sa ...
13/02/2025

February 10, 2025 — Napasugod sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) si Pamela Antonette Tadoy upang ireklamo ang pananakit sa kanya ng asawang Chinese national na si Lu Li noong September 20 at patuloy na pangha-harrass nito maging sa kanyang pamilya hanggang ngayon.

Makikita sa isang video ang aktong pananakit ni Lu kay Pamela na ikinainit ng ulo ni Sen. Idol Raffy Tulfo. Nakuha rin sa nasabing clip ang pagiging bayolente ni Lu kung saan pinagsisira pa niya ang mga appliances sa loob ng bahay nilang mag-asawa.

Kwento ni Pamela, sinaktan daw siya ng asawa dahil pinagbibintangan siya nito ng panlalalaki base lamang sa isang chat exchange nila ng kanyang kaibigang lalake sa wikang Tagalog, na hindi naman naiintindihan ni Lu.

Sa katunayan, sinabi ni Pamela na si Lu naman talaga ang nagloko dahil nahuli niya itong mayroong kiss mark sa leeg, Hunyo noong nakaraang taon. Ito nga rin daw ang nagtulak sa kanya para kalaunan ay hiwalayan ang banyagang asawa kahit mayroon silang isang anak.

Maliban dito, napag-alaman din daw ni Pamela na mayroon ng bagong kinakasama si Lu na kakapanganak lamang nitong January 29. Hirap makaintindi ng Ingles at Tagalog si Lu kaya tinawagan ni Sen. Idol ang kanyang kaibigang marunong magsalita ng Mandarin para pakinggan at i-translate ang paliwanag ng Chinese national.

Ayon sa kaibigan ni Idol, itinatanggi ni Lu ang pananakit niya kay Pamela kahit na mayroon nang video footage na magpapatunay dito, at sinabi nitong gusto lamang niyang makita ang kanilang anak.

Sa kabila ng pagsisikap ni Sen. Idol na mapag-ayos ang mag-asawa, naging bayolente pa rin si Lu at nagawa pang mageskandalo at saktan ang kaniyang sarili sa loob mismo ng RTIA studio – dahilan para i-escort na siya ng security palabas. Dito ay ipinakita lamang niya ang kanyang pagiging agresibo.

Tinawagan ni Sen. Idol si Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval kung saan sinabi nitong kahit kasal sina Pamela at Lu at may permanent residence visa si Lu sa Pilipinas ay malaki pa rin ang posibilidad na makansela ang visa nito dahil sa mabibigat na ebidensyang nagpapatunay ng pananakit niya sa asawa. Maaari din daw itong madeport at ma-blacklist sa ilalim ng pagiging undesirable alien at di na muling makabalik pa ng Pilipinas.

Sa huli ay nangako si Sen. Tulfo na sasamahan ng RTIA si Pamela sa pagsasampa ng pormal na reklamo sa BI laban sa asawa para umusad agad ang deportation case laban kay Lu. Nakipag-ugnayan din si Sen. Idol kay PCapt. Ibralen Jain ng Women and Children Protection Desk ng Parañaque City PNP para tiyakin ang seguridad ni Pamela at ng kanyang pamilya laban sa mga nauna nang pagbabanta ni Lu.








ctto

13/02/2025

LALAKI SA CEBU NA NABARIL SA ULO, BAKIT HINDI TUMAGOS ANG BALA SA KANYANG BUNGO?!

Paunawa: Naglalaman ang ulat ng paksa na maaring maging sensitibo sa mga manonood.

Noo ng isang lalaki sa Cebu, duguan matapos mabaril! Pero ang balang tumama sa kanyang noo, hindi tumagos sa kanyang ulo at bumaon lang sa kanyang bungo!

Gaano katotoong may sinusuot daw itong mala-sinturong anting-anting kaya hindi siya tinatablan ng bala?!

Ang buong ulat, panoorin sa video.

ctto

12/02/2025

BABAE SA BATANGAS CITY, MULA HITSURA, PANANAMIT AT ASTA, MALA-REAL LIFE BARBIE?

Meet Tricia– ang Batangueñang Barbie! Mula kasi sa kanyang hitsura, pananamit at kilos, mapapasambit ka ng, ‘Sabi ko na Barbie!’

Kiligin kaya siya sa aming ipapakilala na mala-real life Ken?

Panoorin ang video.

ctto

Matapos makalaya sa halos tatlong dekadang pagkakakulong, lumapit sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) sina Christian Salvaci...
12/02/2025

Matapos makalaya sa halos tatlong dekadang pagkakakulong, lumapit sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) sina Christian Salvacion at Antonio Nogra upang humingi ng tulong na mahanap ang kani-kanilang pamilya.

Mangiyak-ngiyak si Christian, na napiit sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, habang nananawagang makapiling muli ang mga kapatid na matagal na niyang hindi nakikita. Wala na raw ang mga ito nang umuwi siya sa bahay nila sa Batangas kamakailan.

Si Antonio naman na napiit sa Muntinlupa New Bilibid Prison ay hindi na rin alam kung ano na ang sitwasyon ng mga kapatid sa Camarines Sur, Bicol. Umaasa ang dalawa na mapapanood sila ng kanilang mga kaanak at maging daan ito para makapiling silang muli.

Tinawagan naman ni Sen. Idol Raffy Tulfo si Bureau of Corrections Dir. Gen. Gregorio at napag-alaman na mayroong programa ang gobyerno para sa mga bagong layang Persons Deprived of Liberty (PDLs) kung saan sumasailalim sa skills training and development ang inmates na makakatulong sa kanilang employment, pero hindi raw nabanggit sa kanila ang sitwasyon nina Christian at Antonio.

Tinawagan din ni Sen. Idol si Department of Justice Usec. Deo Marco at inamin nitong mas natututukan lamang nila ang mga bilanggo na napapalaya sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance at executive clemency.

Kaya inirekomenda ni Idol ang pagpapatayo ng “halfway houses” o mga pasilidad na gagabay at pansamantalang matitirhan ng PDLs na walang mauuwiang pamilya ilang buwan bago sila makalaya para hindi rin sila maakit na gumawa muli ng krimen, na sinang-ayunan nina Marco at Catapang.

Bilang pasasalamat sa adbokasiya na mabigyan ng hustisya ang mga naaapi, nag-alay ng kanyang awitin si Antonio para kay Sen. Idol na pinamagatang “O, Raffy Tulfo!" na hinangaan ni Sen. Raffy.

Sa huli ay binigyan ni Sen. Idol sina Christian at Antonio ng tig-₱100,000 mula sa sarili niyang bulsa bilang personal na tulong. Nangako rin si Idol na patatayuan niya ng barber shop si Christian na dating barbero at tutulungan si Antonio para magamit ang kanyang talento sa larangan ng musika.

Sasagutin din ni Sen. Tulfo ang hotel accommodations ng dalawa habang sila ay nasa Maynila. Napaiyak sa tuwa sina Christian at Antonio habang nagpasalamat kay Idol Raffy.








ctto

12/02/2025

BABALA: SENSITIBONG BALITA

ICYMI - EXCLUSIVE: Nalapnos ang isang sanggol sa Bulacan matapos umanong mabanlian ng mainit na tubig ng kaniyang yaya.

Pinaghahanap na ang kasambahay na umalis at nagtago raw pagkatapos ng insidente.

ctto

UPDATE: Ex-Kapitan ng Carmen, Cotabato patay sa ambush sa Kayaga, Cotabato; Kinakasama nito patay dinPATULOY na iniimbes...
11/02/2025

UPDATE: Ex-Kapitan ng Carmen, Cotabato patay sa ambush sa Kayaga, Cotabato; Kinakasama nito patay din

PATULOY na iniimbestigahan ng Kabacan PNP at Cotabato Police Provincial Office ang posibleng motibo sa pag ambush at pagpatay sa former Punong Barangay ng Ugalingan, Carmen na si Armando Lu Sr. o mas kilalang si Baby Lu.

Pinatay ang biktima habang nagmamaneho ng kaniyang Toyota Fortuner kung saan sakay din ang kaniyang kinakasama sa National Highway sa Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato bandang alas 2:00 ngayong hapon.

Naniniwala ang mga kaanak nito na walang kaugnayan sa dati nitong trabaho bilang kapitan ang motibo sa pagpatay dahil matagal na itong wala sa politika.

Mas malapit anila ang posibleng motibo sa trabaho nito bilang Officer-in-Charge ng Rural Transit Bus.

Matapos tamaan ng bala sa iba't-ibang bahagi ng kaniyang katawan, ay nawalan ito ng kontrol sa sasakyan sanhi para bumulusok at tumagilid ang SUV nito.

Nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon ng PNP sa insidente.

ctto

Paunawa: Sensitibo ang paksa. Maging disente sa mga komento.50-ANYOS NA MISIS SA SORSOGON CITY, ANG BILANG NG KANYANG AN...
11/02/2025

Paunawa: Sensitibo ang paksa. Maging disente sa mga komento.

50-ANYOS NA MISIS SA SORSOGON CITY, ANG BILANG NG KANYANG ANAK, UMABOT SA…21?!

“Ang pangarap ko kasana, dalawang anak lang.

Mahirap kasi ang maraming anak.

Pero ‘yun ang ginusto ng asawa ko.

Taon-taon akong nanganak.

Kaya kahit sa ospital, kilalang-kilala na ako.

‘Nandito ka na naman! Anak ka nang anak! Ang dami na ng anak mo!’

Tinatawanan ko lang sila.

Dahil sa dami ng anak namin, may pagkakataong napagpapalit ko ang pangalan nila.

Ang budget namin sa isang araw, 500 pesos lang.

Nandoon ang bigas, kape, asukal, at tinapay ng mga bata.

May mga tanim kami doon na mga kamoteng kahoy.

Minsan, toyo. ‘Yun lang ulam ng mga anak ko.

Naglalako ako ng isda habang ang asawa ko naman, nangingisda.

Pero kahit anong kayod namin, hirap ‘pag sabay-sabay pa ring nagkakasakit ang mga
anak namin.

Humihingi ako ng tawad sa mga anak ko kung hindi ko man naibigay ‘yung kailangan nila.

‘Yung paggamit po ng mga contraceptive, kulang din po ako sa kaalaman.

Wala rin po kaming pambili.

At natatakot din ako na kapag uminom ako, baka mamatay ako.”

-Nanay Kingking, 21 ang anak

Ang mga maling paniniwala sa paggamit ng contraceptive at ang isyu ng family planning sa Pilipinas, pag-usapan natin ngayong Linggo sa .

ctto

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pinoy Daily Digest posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

FOR THE PEOPLE.

Journalism in the Philippines is facing countless threats, wherein journalists are being silenced by different organizations.

Hence, Pinoy Daily Digest shall join in fighting crimes committed against the press. Freedom of expression, speech, and information should not be abridged thus the motto “For the people.”

We are committed to providing information to the public, to expose the truth, and to play a vital role in society. The truth will always set us free and we do this for the people.