04/11/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐. ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐
๐๐ณ๐ช๐ท๐ข๐ต๐ฆ ๐ฐ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ข๐ต๐ฐ๐ณ ๐ฏ๐จ ๐๐๐-1, ๐ฃ๐ช๐ฏ๐ช๐จ๐บ๐ข๐ฏ ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ฆ๐ค๐ฆ๐ฎ๐ฃ๐ฆ๐ณ 2025 ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ข๐บ๐ถ๐ด๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ต๐ถ๐ณ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ด๐ต๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ
Sa kasagsagan ng ulan, muling bumiyahe si Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ngayong Martes at inikot ang LRT-2, LRT-1 at MRT-3 bilang bahagi ng kanyang lingguhang pagko-commute.
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alamin ang sitwasyon ng mga transport hub at siguruhing ligtas at komportable ang araw-araw na biyahe ng mga komyuter.
Sinimulan ni Acting Secretary Lopez ang kanyang biyahe sa LRT-2 Antipolo Station ng alas sais ng umaga hanggang Recto Station. Matapos nito ay sumakay sa LRT-1 Doroteo Jose ang Kalihim papuntang Baclaran Station.
Sa kanyang pag-inspeksyon ng Baclaran Station, uminit ang ulo ni Acting Secretary Lopez nang madatnan ang napabayaang estado ng istasyon.
Sinita ni Acting Secretary Lopez ang hindi PWD- (persons with disabilities) at senior citizen-friendly na istasyon. Bukod sa marumi, sarado ang passageways na daanan ng mga pasahero at iniwang nakatiwangwang lang ang ginagawang walkway. Napag-alaman din ng Kalihim na apat na taon nang walang suplay ng tubig sa mga palikuran na labis nyang ikina-dismaya.
โItitimba mo [ng pasahero] โyung tubig? Ilang taon nang [walang tubig]? Four years na walang tubig! Kung may problema gawan natin ng solusyon,โ dismayadong saad ni Acting Secretary Lopez.
Habang kausap ang Baclaran Station manager, naabutan mismo ng acting transport chief ang isang PWD na nahihirapang maglakad sa istasyon dahil sa madulas nitong sahig at matarik na hagdan.
โTingnan mo kung gaano kahirap kay Tatay. Dapat may nagpupunas dโyan (sa floor) at saka naglilinis. Sabi mo may naglilinis, nasaan? Nagtatanong ako ng tao mo kanina, nasaan?โ tanong ng kalihim sa station manager.
Giit ni Acting Secretary Lopez, dapat ay maginhawang nakakapag-lakad at tama ang serbisyong binibigay sa mga komyuter.
โOkay lang naman kung luma bastaโt malinis at maayos ang imprastraktura. Parang hindi naman istasyon ito. Hindi naman porkeโt hindi nagrereklamo โyung mga tao, parang tanggap na nila, hahayaan na lang natin, hindi na natin gagawin ang trabaho natin. Hindi pwede yung ganun. Dapat matagal nyo ng inaksyunan ito,โ ani Acting Secretary Lopez.
Ikinainis din ng Kalihim ang hindi matapos-tapos na konstruksyon ng passageway paakyat at pababa ng Baclaran Station na sinimulan pa noong Marso 2025, halos walong buwan na ang nakalilipas.
Sinabi ni Acting Secretary Lopez na wala nang maayos na madaanan ang mga pasahero ng tren dahil sinara na ang halos lahat ng passageway papuntang istasyon.
โKailangang maayos ito. Since March pa ito eh. Ni wala ngang nagta-trabaho. Tatlong tao lang ang nagta-trabaho? Baka tatlong taon natin ito matapos?โ dismayadong tanong ng Kalihim sa station manager.
Agad na ipinag-utos ng Kalihim kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera na tutukan ang aksyon ng Light Rail Manila Corporation, private operator ng LRT-1, para agarang maisa-ayos ang Baclaran Station.
Pag-aaralan din ang paglalagay ng elevator sa naturang istasyon para sa kaginhawaan ng mga komyuter lalong-lalo na ng mga PWD at senior citizen.
Binigyan ng hanggang katapusan ng taon ang LRMC para ayusin ang Baclaran Station.
๐ต๐ญ