03/04/2026
IBABALIK NG NET25 ANG MORAL NG TELEBISYON
NET25, itinuturing na '2nd choice' mainstream TV network noon, alternatibo lamang sa paningin ng iba, subalit ngayon hindi na mapigil ang pag-angat!
Napapansin na ito ng maraming ordinaryong Pilipino, nakatutok sa tunay na kalagayan ng bansa. Hindi binibitawan ang totoong isyung nagpapahirap sa mga Pilipino, partikular ang talamak na korapsyon sa mga proyekto ng gobyerno.
Napakaganda at napaka balanse ngayon ng mg programa ng NET25, kaya naman titig na titig na rin dito ang mga tunay na nagsasaliksik at tagapagbigay gawad.
'Hakot-award' na ito ngayon at hindi na nagpapahuli sa TV ratings! May mga programang pambata, at pang matanda gaya ng educational programs, teleserye at talakayan subalit walang mahalay na pananalita, walang bed scene at brutal na mga eksena ng mga serye, di tulad nang napapanood ngayon na nang-i-engganyo ng karahasan at kalaswaan para lamang makahikayat ng views at TV ratings.
NET25 ang napapanahong TV network na magbabalik ng magandang asal, pagkatuto ng mga musmos at magpapataas ng moral ng mga Pilipino.
Ano pang hinihintay nyo, "Let's Net Together... mag Net25!"