07/11/2024
just flexing..
19yo Son to Nanay:
“MAS IMPORTANTE GF KO,
KEYSA SA INYO NI PAPA
AT KAPATID KO…”
———————————————————————
MOM: RM, pahingi ng advice,
Meron akong 19year old nagka-jowa ng pariwara,
3x ko na yan pinaghiwalay
dahil affected studies ng anak ko,
ngaun po, pinadala na namin xa sa Manila
para hindi masundan ng babae,
ok lang kahit mag TXt cla
wag lang magkita, dahil baka mabuntis…
(💙RM: U BELIEVE
PUTTING THEM PHYSICALLY APART
WILL STOP THEM?
Hmmmm….WE THINK NOT.❌)
sana Maka-graduate man lang ang anak ko…
——
since nasa Manila xa,
anlaki ng expenses up to d point
na tuyo at alamang nalang kinakain namin
ng mga kapatid nya
mapag-aral lang xa,
(💙RM: TUYO AT ALAMANG ULAM NYO
ALANG-ALANG na PHYSICALLY MAPAGHIWALAY NYO ANG 19yo MO SA JOWA?
AT SHOOT UP EXPENSES NYO SA KANYA
SA MAYNILA?
PARANG MAY MALI…🧐)
——-
tapos nalaman ko…yung nanay ng babae
pupuntang Manila
para magkasama anak nya at anak ko, diba?
the nerve….(💙RM: AHAHAHAHA🤣🤣🤣)
kababaeng tao ng anak nya kinukunsinti ka kerengkengan,
(💙RM: BAKA KASE
HINDI REALISTIC YUNG PARAAN MO
NA PAGHIHIWALAY SA ANAK MO AT JOWA NYA…)
——
tapos nalaman ng husband ko
nahuli nmin through goggle account
na every other day,
may pinapadala xa na food sa babae
Jollibee, chowking, mang-inasal…
habang kaming pamilya nya
tuyo toyo alamang inuulam
para lang ung inaakala naming school needs nya e mabayaran,
weekly may padala pa xang parcel sa babae
and latest is cellphone.
(💙RM: UR SON IS STILL VERY YOUNG
AND VERY EMOTIONAL “IN LOVE”…
WALA PA YANG NAIINTINDIHAN
SA BUHOS-PERA SA JOWA,
HABANG HIRAP ANG MAGULANG…)
——
ngaun napuno na kami mag-asawa,
ayaw na namin xa paaralin
at bahala na xa suportahan ang sarili nya…
Pero mga kapatid ni husband,
nakikiusap na wag daw namin sukuan anak namin,
dahil ano na daw buhay nya
kung susukuan namin…
(💙RM: MAY VALID POINT DIN SILA✔️)
——
pero RM, ansakit-sakit na,
mula grade10, inilayo na namin yan Kay girl
dahil bad influence…
tapos naging ok na xa, bumait na..
tapos grade12 nagkabalikan….
naloko na ulit ugali,
pagod na kami mag asawa Kaka-protekta sa kanya
(💙RM: WE THINK U ARE OVER-PROTECTIVE)
—-
e xa naman etong lumalapit sa kapahamakan,
kasi si girl hanggang ngaun,
iba-iba ng jowa kahit sila na
and bulag at bingi anak ko dun.
(💙RM: LAHAT NAMAN TAYO
NAGING BULAG AT BINGI SA PANGARAL
WHEN WE WERE VERY YOUNG
AT VERY EMOTIONAL IN LOVE….
🩸🩸🩸PAIN
IS WHAT WAKES US UP TO REALITY✔️,
HINDI PANGARAL NA LAWAY.❌)
——
Tama ba si SIL at BIL na wag namin xa sukuan?
O tama na at mag focus na sa maliliit
at mental health naming mag-asawa?
(💙RM: WE HAVE A DIFFERENT OPINION….
U COULD HAVE SAVED MONEY
BY BEING “LESS CONTROLLING”…
NO NEED PAGHIWALAYIN…
🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥
JUST STATE SERIOUSLY SA SON MO—-
BASTA PAGNABUNTIS MO YAN,
LAYAS SA BAHAY,
AT STOP LAHAT NG FINANCIAL TULONG…
U ARE ON UR OWN.✔️✔️✔️
🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥
PERO YUNG PINAHIWALAY NYO SA MANILA?
HINDI YAN EFFECTIVE IPAHIWALAY…😞
TAPOS HIGHER FINANCIAL COST PA SYA😩
THAT IS JUST OUR OPINION.💙)
——
Hiningian nya pa ng 4500 ung SIL ko
at sinabing mag ma mountain climbing daw,
2500 Kay bil,
1500 Kay byanan….
bukod pa ung hiningi nya sakin at sa asawa ko…
(💙RM: MARUNONG AT MAGALING ANG ANAK MO
SA FUNDRAISING!🤣)
——-
tapos nalaman namin,
bibinili nya pala ng ticket pauwi d2 samin rountrip
para magkasama sila ng babae
ang ung cp nya na isa beneath
at pinabook ng hotel
para duon sila ng babae,
nagkagulatan nalang kami lahat
na kami pala hiningian
at nahuli ng asawa ko kasi
mga purchase ng tickets at reservations nya…
(💙RM: UR SON CAN DO ALL THOSE THINGS
KASE U BOTH EMPOWER HIM WITH MONEY
WITHOUT ACCOUNTABILITY…)
——
If ako lang at husband ko,
ayaw na talaga namin,
may iba kaming anak na isinakripisyo para sa kanya…
Sabi nya pa….
mas importante si girl
kaysa amin ng papa nya at mga kapatid nya
kahit isali pa mga lola at tito nya…
(💙RM: AHAHAHAHA🤣🤣🤣
TYPICAL PUPPY LOVE…
IF EVER, MAGHIWALAY SILA IN THE FUTURE,
HE WILL LEARN THE HARD LESSONS HOPEFULLY.)
——
Magiging masama ba kaming magulang
pag sumuko kami?
(💙RM: IF U PRAYED TO GOD SERIOUSLY,
ANO SASABIHIN NYA SAYO AS PARENT?
MASAMA KA o HINDI?
OVER-PROTECTIVE o HINDI?
GO ASK PAPA GOD.✅)
——