25/04/2025
SIYA SI HUSKY! (ENTRY)
Nairescue ko si husky noong June 24, 2023 at kaagarang dinala sa vet after we met. Ang kwento ay tinapon at pinabayaan na siya ng kaniyang owner dahil sa kaniyang sakit. Kahit walang kakayahan at walang mapag kukuhaan ng perang pang pa vet ay hindi ako nag dalawang isip na itakbo siya sa vet after ko siyang makita sa kalsada na gutom at nanghihina, kahit walang kasiguraduhan na may tutulong sa akin sa financial ay pinursige ko siyang alagaan, gamutin at dalhin sa vet ng pabalik balik.
Na diagnose si Husky sa sakit na DISTEMPER, CORONA VIRUS AT LEPTOSPIROSIS. Sa kabila ng hirap ay nakikitaan ko siya ng pag asa na gusto niyang lumaban at mabuhay hangga't kaya. Sobrang hirap ng aming naging journey ni husky ngunit lahat ng iyon ay aking nalagpasan sa pamamagitan ng mga taong walang sawang nag titiwala at tumutulong sa akin, lalo na't hindi ako pinabayaan ng itaas na hindi ko mailigtas ang buhay ng isang stray. Hindi man naging madali ang lahat sa amin ang masasabi ko lang ay hindi siya gagaling sa kaniyang mga sakit kung hindi lumaban si husky at ipakita sa akin na gusto niya pang mabuhay. Almost 2 years na siyang nasa akin, at makikita naman sa larawan kung gaano siya nakatanggap ng pag mamahal, pag-asa at kasiyahan na hindi niya naranasan nung araw na itinapon na siya ng kaniyang owner.
You may help by increasing the number of views on our reels and having more supporters, as well as helping us to have more food for them to survive on a daily basis. I am a solo rescuer, and every day is a survival mode of how am I will provide their daily food, needs, and medications.