
25/07/2025
Happy National Campus Press Freedom Day, Bartolomeans!
Ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Hulyo ang National Campus Press Freedom Day sa buong bansa ayon sa nilagdaang Republic Act 11440 noong 2019.
Nilalayon nitong maprotektahan at magabayan ang mga mamamahayag sa loob ng paaralan para sa isang malaya at makatarungang pamamahayag.
Ang Pamahayagang Pampaaralan o campus journalism ay isang mahalagang susi sa pagbuo at paglinang sa kamalayan ng bansa.
Sa pamamagitan nito, naipamamalas ng mga mag-aaral ang kanilang husay at interes sa pakikisangkot sa mga isyung kinahaharap hindi lamang ng paaralan bagkus maging sa buong Pilipinas daan para sa isang kamalayan gaya ng pagiging isang makabayang Pilipino at mamamayang patuloy na kumikiling sa tanging katotohanan lamang.
Katulad ng Pamahayagang 'Ang Ehemplo', may paninindigan at palaging tapat sa katotohanan.
๐ผ๏ธ: Daniella Diaz at Tiffany Alama