
19/05/2025
HINDI PAGPROKLAMA SA DUTERTE YOUTH AT BAGONG HENERASYON PARTYLIST
Malinaw pa sa sikat ng araw na ang naninindigan at kumokontra sa administrasyon ni PBBM ay pinapatahimik at ginigipit.
Si PBBM nga ba ang may kagagawan nito? O pwede na ding isisi sa kanya dahil tila sa pagwawalang kibo nito sa kabulukang nangyayari sa kanyang administrasyon.
Sa hindi pagproklama ng Duterte Youth at Bagong Henerasyon Partylist ay hindi kawalan ng kanilang partido kundi kawalan ng boses ng mamamayan na manindigan sa kung ano ang tama at pagtatama ng mali.
Unahin natin ang Duterte Youth Partylist, malinaw na ito ay partylist aligned sa mga Duterte, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit sila binubusalan. Ito ay dahil sila lang naman ang nag-iisang kumakalaban at naninindigan patungkol sa kawalanghiyaang ginagawa ng CPP-NPA-NDF.
Ang kanilang naging isyu dahil hindi umano totoong kabataang sektor ang nirerepresenta ng Duterte Youth pero malinaw na ang kanilang mga nominado ay mga kabataan na nanggaling sa hanay ng kapulisan at kasundalohan na siyang tunay na pomoprotekta sa mga kabataan.
Isa sa kanilang adbokasiya ay pagsisiwalat ng maling direksyon na ginagawa ng mga NPA aligned partylist, pagrerecruit ng mga kabataan na maging NPA. Pinipigilan nila ito dahil sila ang totoong may pagmamahal sa hanay ng mga kabataan.
Siguro isa sa maaaring naging dahilan ay ang paghahain nila ng impeachment case laban kay PBBM, pero sa nakikita ko hindi iyon ang pinakadahilan. Ang totoong kalaban ng Duterte Youth ay ang NPA aligned partylist.
Bagong Henerasyon partylist, ito yung matapang na partido na kumwestyon kay Stella Quimbo during plenary session, kwenestyon ang maling paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Bakit hindi prinoklama bilang bagong representante, ang aking analisa para tuloy ang kaligayahan ng mga buwayang naghahari-harian sa kongreso.
Pero papaano naitulak ang reklamo at hindi pagproklama sa kanila, samantalang ilang termino na silang naihalal bilang representante ng kabataan at ng mga kababaihan lalo na ng solo parent.
Dahil kay speaker, dahil ni speaker, ang sabwatang Romualdez at CPP-NPA-NDF ang nagpahinto ng proklamasyon ng dalawang naninindigan na partylist.
Maaaring nakipagsabwatan si Martin Romualdez upang muling makuha ang majority vote pagka-speaker. Tinanggal ang 4 na pwesto upang mabawasan ang bilang ng boto ng kakalaban sa kanya.
Malinaw din ang maaaring sabwatan ng COMELEC o ni George Garcia kay Martin Romualdez, sa takot ni George na maimpeach bilang COMELEC Chairman o maaaring may alas si Romualdez laban kay George Garcia kaya naging sunod-sunuran ito na parang a*o.
Ang katulad ni George Garcia na walang paninindigan at walang pagrespeto sa batas at hindi dapat namumuno sa isang ahensiya na kailangan ng tiwala ng tao. Malinaw na ito ay paglabag sa batas.
Sa ganitong senaryo dapat manindigan ang kapulisan at kasundalohan dahil sila ang unang tatamaan ng maling pamamaraan na ginagawa ng COMELEC, ang kanilang mga pamilya, kanilang anak at asawa.
Ganid sa kapangyarihan si Martin Romualdez kaya kahit makipagsabwatan sa kalaban ng gobyerno gagawin nito para lamang manatili sa pwesto at patuloy nitong limasin ang kaban ng Bayan sa pamamagitan ng budget insertions at maling paglalagay ng pondo na pabor sa mga traydor ng Bayan.
Sa pagsuspende ng dalawang partylist na ito ay na siyang kumakatawan sa kanilang mga sektor na patunay na nawalang ng boses ang mamamayan dahil ang dalawang partylist na ito ang naging boses ng mga ordinaryong tao na gusto ng pagbabago sa sistema ng pamahalaan.