11/07/2025
Wayback 2018 nang magustuhan ko yung basketball. Wala naman sa pamilya namin yung may player/athlete talaga kaya yung naka impluwensya sa’kin bestfriend ko pa nung Junior High School. Kumbaga late na ako nag start maglaro, usually kasi yung ibang bata blessed sila kasi maaga sila na eexpose sa sports. Ako, batang kalye, pogs, patintero, taguan o computer.
Fast forward nung Senior High School ako, lumipat ako ng school at dun ako nag focus sa pag-aaral lalo dahil varsity ako. Hindi pwedeng may bagsak syempre kaya tiyaga talaga. Ako yung laging nauuna sa ensayo ako din yung huling umuuwi at nagpapatay ng ilaw sa court. Lahat yun hanggang 2020 self taught. Wala akong skills coach o kahit sinong naka tutok sakin para i-guide ako.
Pandemic, nung nag open ulit yung klase sabi ko sa nanay ko mag-stop muna ako sa basketball kasi gusto ko talagang maging scholar sa magagandang schools. Tutol nanay ko dun at sinuway ko padin siya at sinunod ko padin yung pangarap ko. Makulit ako eh. Sabi ko “balang araw, makikita niyo yung apilyedo natin sa TV o kung saan man”. Hindi ko man natupad yung makapasok sa NCAA/UAAP schools kasi wala talaga akong connection sa kahit ano at sipag lang yung baon. Hindi din naman ako skilled at talented eh. Nakakatuwa kasi nanay ko suportado at mga kapatid ko sakin.
Nagustuhan ko mag content at ishare yung mga pinagdaanan ko sa araw araw, yung struggles. Hanggang magkaroon ako ng scholarship sa school kahit di kilala. Nitong 2025, nagkaroon ako ng chance makatapak sa PRO league. Tagal ko nang pinapangarap yun at mai represent pa yung QC. January to April bago mismo yung birthday ko sinabi ng Doctor ko, may punit yung tuhod ko. 2-3 months akong di pinayagan maglaro. Kaya ko lang gawin yung mga workouts na hindi stressful sa tuhod ko.
Ngayon, sobrang dami nagdaan na injuries. Dislocated shoulder, maga tuhod etc. Iniintindi ko pa nun sa utak pano na yung journey? paano na yung content ko eh puro basketball yun. Paano ako kikita? Paano ako hindi mawawala sa radar? nakakatuwa kasi ang daming may gustong tumulong sakin, skills coaches, tropa na naging kapatid, brands. Saludo ako tiwala kayo sa vision ko sa Improving The Game Community
Ang struggle ko naman ngayon maibalik yung kumpiyansa ko sa basketball. Dami pang kulang as in, pero kung sisipagan mo nakakatuwa yung resulta eh. Nakaka adik yung proseso. Hindi ko minamadali. Kahit anong naririnig ko sa paligid di ko pinapansin. Alam ko naman sa sarili kong masaya ako eh at nakaka inspire ako ng kabataan.
lesson? Ituloy mo lang yung ginagawa mo kahit maraming hadlang. Marami talagang sakripisyo at hindi ka palaging nasa taas. Dapat handa ka dun. Andito ako sa Tapsilugan ngayon sinusulat to habang nagpapa baba ng kinain kasi mag gym na ako pagtapos nito.
Galingan nating lahat!