Mema Blog Lang

Mema Blog Lang A recipe has no soul. You, as the cook, must bring the soul to the recipe. -Thomas Keller

12/04/2023

3 reasons ng pagtahimik ng mga babae
- pagod
- may problema
- may masakit na salitang narinig, pero nanahimik na lang para hindi na lumaki

29/03/2023

Bakit mahalagang magkaroon ng sariling pera ang mga babae?

Karamihan sa mga lalaki (di ko nilalahat ha) Feeling entitled sila "na sila lang napapagod kasi sila lang nagwowork".

Feeling nila, masyado kang dependent sa kanila na okay lang tratuhin ka ng di maganda, pagsalitaan ng masasakit na salita (ex: di ka makaintindi, bobo,tanga,walang pakinabang, walang kwenta,wala kang naitutulong,ako lng ang namomroblema ng gastusin,pangit n nga mukha mo pangit pa ugali mo, etc), gagawan ka pa ng kalokohan. Di nila bina-validate yung nararamdaman mo. Tapos ikaw, tatanggapin mo nalang ng tatanggapin kasi nga wala ka naman magagawa dahil naka-kulong ka na sa ganung sitwasyon.

Imagine. Aanakan ka, sasabihin sayo dyan ka nalang sa bahay. Ako na bahalang magtrabaho, given malolosyang ka tapos ang ending maghahanap sila ng iba.

Kaya ang unfair diba?

On a positive note, meron naman din na ibibigay sayo lahat ng kanila ng walang halong panunumbat at pagtatanong kung saan mo ginastos yung ganito, yung ganyan. Pero tayong mga babae (TREASURER) lang talaga nila tayo. Tiga lista, tiga budget, tiga ingat yaman.. Syempre, mahihiya ka nalang gastusan yung sarili mo. Yung pang pamper mo, iisipin mo nalang na ipang dagdag sa pang gastos sa pamilya nyo. Mapapabayaan mo din talaga yung sarili mo. Kasi nga sa kanila na umiikot yung Mundo mo.

Kaya maraming babae "Mentally Abused" tapos sasabihin nila. (Arte lang daw!)

Kaya mga fellow moms, kailangan natin humanap ng ways para kumita. Hindi importanteng pantayan o higitan mo yung sahod ng Asawa/partner mo ang mahalaga, may sarili kang income yung hindi mo na kailangan ihingi pa sa kanila yung pang bili mo ng pang skin care, napkin or ng anumang cravings mo. Kasi sa panahon ngayon, naka depende yung pag respeto sayo ng asawa mo sa laki ng pakinabang mo 😊

Ctto

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mema Blog Lang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share