Sr.Manggagamot - HDN Central

Sr.Manggagamot - HDN Central Affiliated to HDN Central , Quiapo Church

Mga KaDeboto! Narito ang Opisyal na Logo at Tema para sa Pambansang Kapistahan ng Mahal na Poong Jesus Nazareno 2026.NAZ...
28/10/2025

Mga KaDeboto! Narito ang Opisyal na Logo at Tema para sa Pambansang Kapistahan ng Mahal na Poong Jesus Nazareno 2026.

NAZARENO 2026 (Debosyon โ€ข Traslacion โ€ข Misyon)
๐“๐„๐Œ๐€: "๐ƒ๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐’๐ˆ๐˜๐€๐๐† ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐š๐ฌ๐ฌ, ๐š๐ญ ๐€๐Š๐Ž ๐ง๐š๐ฆ๐š'๐ฒ ๐๐”๐Œ๐€๐๐€." ๐‰๐ฎ๐š๐ง ๐Ÿ‘:๐Ÿ‘๐ŸŽ

*****

***๐๐€๐‹๐ˆ๐–๐€๐๐€๐† ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐„๐‹๐„๐Œ๐„๐๐“๐Ž ๐๐† ๐’๐€๐†๐ˆ๐’๐€๐†***

Ang sagisag ng Nazareno 2026 na may temang โ€œDapat Siyang Tumaas at Ako namaโ€™y Bumabaโ€ (Juan 3:30), ay masasalamin sa tatlong mahahalagang pagpapahalaga: Pagpupuri (Praise), Kababaang-loob (Humility), at Pananampalataya (Faith).

Ipinapakita ng bawat elemento kung paanong nararapat na maitaas natin si Kristo, hindi lamang sa Traslacion, kundi sa ating mga buhay sa pamamagitan ng pananampalataya at kababaang-loob.

***๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐‘๐ˆ (๐ƒ๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐’๐ข๐ฒ๐š๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ฆ๐š๐š๐ฌโ€ฆ)
Sa pinakasentro ng logo ay makikita ang imahe ng Poong Hesus Nazareno na literal na itinataasโ€”isang malinaw na pahayag na Siya lamang ang nararapat itanghal at papurihan. Siya ay itinataas ng mga mananampalataya bilang tanda ng pagpupuri, na hindi lamang natatapos sa debosyon at panalangin, kundi sa pagtulong at paglilingkod sa kapwa.

Ang liwanag na nagmumula sa Kanya ay tanda ng Kanyang walang hanggang kaluwalhatian, na bagamaโ€™t madalas ay natatabunan ng bigat ng ating krus at suliranin, ay patuloy na nagbibigay gabay at pag-asa sa mga mapagpakumbabang puso.

Sa Traslacion, si Kristo ay โ€˜dapat tumaas,โ€™ upang Siya ay mapapurihan at upang Siya ay makita ng mas marami pang mga deboto. Itinuturo nito na sa ating buhay, sa tuwing ating itinataas si Kristo, lalu siyang mas nakikilala ng iba.

***๐Š๐€๐๐€๐๐€๐€๐๐†-๐‹๐Ž๐Ž๐ (โ€ฆ๐š๐ญ ๐š๐ค๐จ ๐ง๐š๐ฆ๐šโ€™๐ฒ ๐›๐ฎ๐ฆ๐š๐›๐š)
Ang mga katagang โ€œat ako namaโ€™y maibabaโ€ ay nagpapakita ng intensiyonal na โ€˜pagbabaโ€™ o pagpapakung-baba upang si Kristo ay maitaas. Ito ay makikita sa sagisag sa pamamagitan ng dalawang deboto na may buhat sa andas ng Poong Hesus Nazareno.

Sa Traslacion, ang pagtataas sa Poong Nazareno ay nagaganap sa pamamagitan ng mga taong handang bumabรก at magpakumbaba. Ang pagbuhat ng mga deboto ay malinaw na tanda ng pagbababa ng sarili- isang mahalagang katangian na tinataglay ng isang tagasunod ng Poong Hesus.

Ang katangian ng kababaang loob na nagtataas sa Poong Nazareno ay ang karunungan na maging instrumento upang mas higi na makilala si Hesus. Ang sakripisyo, pagod, at pagtitiis ng mga deboto sa kabila ng mga kanya kanyang pasanin sa buhay ay lalu pang nagtataas at nakapagbibigay papuri sa Diyos.

Ang batang nasa imahe ay isang buhay na paalala ng Ebanghelyo, โ€œAng sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit (Mateo 18:4.)โ€

***๐๐€๐๐€๐๐€๐Œ๐๐€๐‹๐€๐“๐€๐˜๐€ (๐ƒ๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐’๐ข๐ฒ๐š๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ฆ๐š๐š๐ฌ ๐š๐ญ ๐š๐ค๐จ ๐ง๐š๐ฆ๐šโ€™๐ฒ ๐๐ฎ๐ฆ๐š๐›๐š)
Ang buong tema ng Traslacion 2026 ay lubos na nakaugat sa pananampalataya. Ang malaking puting tela na bumabalot sa buong sagisag ay sumisimbolo sa lahat ng panyo na pinapahid ng mga deboto sa Poong Hesus Nazareno. Ang tradisyonal na pagdadampi ng mga deboto ng puting tela o panyo sa imahen ay malalim na tanda ng pananampalataya at nagpapahayag ng marubdob na panalangin at pag-asa ng bawat isang deboto.

Ang lubid naman na nakapaikot sa puting tela ay nagpapakita kung paanong ang pananampalataya ay lalung napagtitibay sa sama-samang pagdedebosyon at pagsasalya.
Sa bandang likuran ng sagisay ay nakatayo ang Simbahan ng Quiapo na nagsisilbing sagisag ng matatag na pananampalatayang Pilipino na nakaugat sa kababaang loob at pagpupuri sa Diyos.

Ang logo ay naglalaman ng malinaw na mensahe ng tema: โ€œDapat Siyang tumaas at ako namaโ€™y bumaba.โ€ Sa bawat elemento ay naipapakita na ang ating debosyon sa Poong Hesus Nazareno ay umiikot sa pagpupuri, kababaang-Loob, at pananampalataya โ€“ mga pagpapahalagang isinasabuhay ng bawat deboto hindi lamang sa Traslacion kundi sa buhay disipulo.


24/10/2025
03/10/2025

Address

Barangay Dioquino Zobel
Quezon City
1109

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sr.Manggagamot - HDN Central posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share