02/09/2026
๐๐ข๐ ๐๐ก๐ ๐ฆ๐ข๐ข๐ก
Malugod na inihahandog ng Bughaw, isang imprint ng Ateneo de Manila University Press, ang ๐๐ธ๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐ป๐ด ๐๐ป๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฑ๐ถ๐๐๐ผ๐ป ng ๐๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐น๐ถ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐๐ฎ ni Alvin Yapan
Sinusundan ng ๐๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐น๐ถ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐๐ฎ ang unti-unting pagkalugmok ng mga Nueva, isang pamilya sa bayan ng Sagrada sa Bicol, sa loob ng mahigit animnapung taon, kasabay ng mga pangyayaring humubog sa kasaysayan ng Pilipinas. Nakatuon ang nobela sa tatlong tauhan mula sa ibaโt ibang henerasyon: ang inang si Selya, na kumakapit sa lumipas nang ginintuang panahon ng kaniyang pamilya; ang kaniyang anak na si Nene, na laging nahahanap ang sarili sa mga sangandaang sumasalamin sa karanasan ng bansa; at si Boboy, ang anak ni Nene, na hindi maiwasang maipit sa malagim na nakaraan ng pamilya kahit hindi batid ang mga pinakakukubling lihim nito. Ang kanilang mga kuwento ay isinalaysay ni Esteban, ang albularyong saksi sa karanasan ng bawat salinlahi.
Nagwaging pinakamahusay na nobela sa Filipino sa National Book Awards noong 2006, inihahatid matapos ng dalawampung taon ang mapangahas na akda ni Alvin Yapan na pinagtatagpo ang nakaraan at kasalukuyan, ang mahiwaga at karaniwan, at ang personal at politikal.
Disenyo ng pabalat ni Tanya Mallillin.
Larawan sa pabalat mula sa Debosyon (dir. Alvin Yapan, 2013)
Ilulunsad ngayong Setyembre sa MIBF.